Ella Larawan: Rajo Laurel/IG

Ella Pangilinan ikinasal na

December 7, 2023 People's Tonight 167 views

Ikinasal na ang kapatid ni Donny na si Ella Pangilinan sa non-showbiz boyfriend nito na si Enrique Miranda.

Sa Instagram post ng well-known fashion designer na si Rajo Laurel, makikita ang magandang wedding dress na isinuot ni Ella sa kanyang kasal Miyerkules, Disyembre 6, sa Puerta Real Gardens sa Intramuros.

Si Ella ay isinuot ang eleganteng Filipiniana wedding gown na flower embroidered at beaded white pearls.

Young at fresh naman ang ina nitong si Maricel Laxa suot ang pink Filipiniana ensemble. Looked dapper naman ang ama nitong si Anthony at fiance nitong si Enrique, suot ang Barong Tagalog at black pants.

Kasama sa mga dumalo sina, actress Julia Barretto, Journalist Karen Davila, Garlic Garcia, Gab at Gary Valenciano, Donny, Hannah, at ibang pang closest friends ng couple.

AUTHOR PROFILE