Ella naiba ang impresyon sa direktor

June 29, 2021 Aster Amoyo 314 views

TWENTY-four year-old Viva singer-dancer and award-wining actress Ella Cruz is back sa kanyang latest movie under Viva Films entitled “Gluta” kung saan din tampok na mga bituin ang Fil-Italian ex-PBB housemate-turned actor na si Marco Gallo, ang 2018 Miss Q&A grand winner ng “It’s Showtime” na si Juliana Parizcova Segovia, ang sexy actress na si Rose van Ginkel, Cristina Gonzales, Arlene Muhlach at iba pa. Ito’y mula sa panulat at direksiyon ng out-of-box writer-director na si Darryl Yap, his fourth directorial movie this year streamed on Vivamax na sinimulan ng “Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar,” “Tililing” ang “Ang Babaeng Walang Pakiramdam”.

Inamin ni Ella na nung simula ay nagkaroon umano siya ng apprehension in accepting the project but she’s glad she did dahil ang pelikula ay nagbibigay ng pag-asa at inspirasyon sa kabila ng mga nagaganap sa ating lipunan na rampant ang bullying.

Ella plays the role of an aeta na si Angela na punumpuno ng pangarap at pag-asa sa kabila ng lahat mga discouragements at pangmamata na kanyang natatanggap.

“I’m thankful to Boss Vic (del Rosario) and to Direk Darryl na ipinagkatiwala nila sa akin ang project na ito,” proud na pahayag ni Ella na dalawang beses nanalong Best Child Actress from Gawad Urian at FAMAS in 2008 for the movie “Resiklo”. Siya rin ang tinanghal na Best Supporting Actress ng 2019 Cinemalaya Philippine Independent Film Festival for the movie “Edward”.

Inamin ni Ella na nag-iba rin ang kanyang impression sa young director na si Direk Darryl dahil kakaiba umano ang atake nito sa pagdidirek.

“Ang galing ni Direk Darryl. I hope muli kaming magka-trabaho,” asam pa ni Ella who is in a relationship with actor-dancer na si Julian Trono.

Ang “Gluta” ay nakatakdang ipalabas sa Vivamax streaming app simula sa July 2.

Since wala namang network contract si Ella, she can work with all the TV networks including ABS-CBN, GMA at TV5.

Liz nanibago sa present set up ng showbiz

AFTER so many years, nagbabalik-showbiz ang isa sa mga original `Angels’ ng comedy king na si Dolphy na si Liz Alindogan matapos itong lumagda ng exclusive management contract with Viva. Ang kanyang first comeback project ay sa pamamagitan ng upcoming TV series na mapapanood sa TV5, ang “Di Na Muli” na pinagbibidahan nina Julia Barretto at Marco Gumabao. Tampok din sa nasabing serye ang dating magka-loveteam na sina Angelu de Leon at Bobby Andrews, Baron Geisler, Marco Gallo, Katya Santos, Andre Yllana at Mickey Ferriols mula sa direksiyon ni Andoy Ranay.

Hindi ikinakaila ni Liz na nanibago umano siya sa set-up ng tapings ngayon na naka-lock-in.

“Nagka-culture shock ako,” natatawa niyang pag-amin.

“Although magkakasama kami sa isang hotel, magkakaiba kami ng kuwarto at bawal mangapit-bahay sa ibang rooms,” kuwento pa niya.

“At first, akala ko hindi ako makakatagal pero sa kalaunan ay nakapag-adjust na rin ako,” patuloy pa niya.

Matagal na huminto si Liz sa kanyang showbiz career dahil hinarap niya ang kanyang buhay may-asawa.

Nagkaroon siya ng dalawang anak na parehong lalake sa actor at dating action star na si Jess Lapid na pareho nang professional, sina Paolo at Isis at apat naman ang kanyang anak sa kanyang present husband, ang businessman na si Benny Kho na ang panganay ay isa nang doctor na si Beatriz. Ang tatlo pa ay sina Beverly (fashion designer), Benika (psychology graduate at ang bunsong si Baron, 3rd year college student sa UP (taking up Business Administration major in Accounting).

“I have to admit na sobra kong na-miss ang showbiz,” pag-amin ni Liz at alam ito ng husband ko. Pero ngayong malalaki na ang mga bata, pinayagan na niya akong magbalik-showbiz,” kuwento pa ni Liz.

During Liz’ prime as an actress, naging paborito siyang leading-lady ng malalaking actions stars na pinangunahan ng yumaong action king na si Fernando Poe, Jr. na naka-trabaho niya sa tatlong pelikula, ang “Panday,” “Ang Agila at Falcon” at “Sierra Madre”. Naging kapareha rin siya ng yumaong action star na si Rudy Fernandez sa “Wanted: Sabas,” si Ace Vergen sa “Kapwa Simaron,” si Dante Varona sa “Nagbabagang Lupa, Nagbabagang Araw” at ang “Cuadro de Alas” with Jess Lapid kung saan nagsimula ang kanilang love affair.

She has done at least 86 movies nung kanyang kapanahunan. Napasama rin siya sa TV series na “100 Days In Heaven” na tinampukan nina Coney Reyes, Jodi Sta. Maria at Xyriel Manabat in 2011.

Sa TV series na “Di Na Muli,” she plays mom to Angelu de Leon’s character at lola naman ng character played by Julia Barretto.

“Nakakatuwang makatrabaho ang new generation actors,” pahayag pa ni Liz.

Bugoy hindi nagsisisi na naging batang ama

HINDI pinagsisisihan ng young singer-actor na si Buboy Villar ang kanyang pagiging batang ama sa kanyang dalawang anak sa kanyang American ex-girlfriend na si Angillyn Gorens na bumalik na ng Amerika almost three years ago. Pero bukas pa rin umano ang kanilang komunikasyon ng kanyang dating kasintahan lalupa’t meron silang dalawang anak.

Buboy was a teen-age dad to his two kids na sina Vlanz Karollyn at George Michael na parehong nasa pangangalaga ng adoptive Filipino parents ni Angillyn. Tumutulong din umano si Angillyn sa mga pangangailangan ng kanilang dalawang anak.

Since si Buboy ang lalaki at ama ng mga bata, nagsisikap siyang mabigyan ang mga bata ng magandang kinabukasan.

Although nawalan si Buboy ng pagkakakitaan sa kanyang pagiging actor pagdating ng pandemya, masaya siya at siya’y natulungan ng kanyang pagiging vlogger kung saan meron na siyang mahigit 1-M subscribers.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of #Tictalk with Aster Amoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE