Elizabeth nag-enjoy sa Alabat Island

June 4, 2021 Eugene E. Asis 557 views

KASALUKUYANG nasa Alabat Island sa Quezon province ang cast and crew ng pelikulang “Nerisa” (intended for Vivamax streaming directed by Lawrence Fajardo) na pinangungunahan ng beauty queen-turned-actress na si Cindy Miranda, kasama ang leading man na si Aljur Abrenica at supporting actors na sina Bembol Roco, Elizabeth Oropesa at iba pa.

Nag-enjoy ang cast, laluna si Elizabeth na maraming Facebook posts tungkol sa hospitality ng mga tao roon. Marami ang nagpadala sa kanya ng pagkain, at ang hindi niya makalimutan na isang endemic seafood na kung tawagin ay takla (crawfish). Nakakapaglakad din siya roon like a local, and some would even offer her free ride.

Ayon sa isang post ni Beth:

“May nagbigay po ng tuba��naaaapakasarap! Salamat po! May nagbigay ng adobong shells, puto, milk tea, pandesal, pancit, burger, assorted pasta at kung anu-ano pa. Maraming salamat po sa mga taga Alabat, Quezon. God Bless all of you❤kasalanan ninyo na ako ay lalong tumaba!����”

Incidentally, ang island town ng Alabat (na hometown namin) ay pinagmulan ng ilang showbiz personalities tulad ng late character actor na si Roldan Aquino (Rolando Desembrana Aquino), at stage and TV actress Kat Galang (whose mom Elvie still lives in the island), gayundin ang TV host/producer ng ‘Healing Galing’ na si Edinell Calvario, at ang Bb. Pilipinas Universe 2005 na si Gionna Cabrera (her mom Nida joined local politics there). Gionna’s (great?) grandfather, Rafael Jimenez, was a 50s actor who played father to former President Joseph Estrada in some of his movies.

Willie at John Lloyd may sorpresa ngayong Linggo

BUKOD sa patuloy na paghahatid ng kasiyahan at papremyo sa Kapuso viewers, abala rin ang Wowowin host na si Willie Revillame sa pagpapagawa ng kaniyang resort sa Puerto Galera. Kuwento niya sa isang online media event noong isang araw, may iilan na ring mga kaibigang artista ang nakabisita doon (Puerto Galera) tulad ni John Lloyd Cruz.

Makakasama ni Willie ang aktor sa isang espesyal na segment ng Shopee ngayong Linggo, June 6. Ito rin ang magsisilbing pagbabalik-telebisyon ni John Lloyd na mapapanood nga sa GMA.

“I talked to John Lloyd personally noong nandoon kami sa Puerto Galera. Ang ganda nito sa comeback mo, very special ‘yan. Kaya yung mga manonood, you have to watch that kung ano ang gagawin ni John Lloyd sa Sunday,” ayon kay Willie.

But aside from that, mukhang marami pang ibang gagawin si John Lloyd na aabangan ng fans.

Beauty from Kapamilya to Kapuso

BALITANG lilipat na sa GMA Network ang Spanish-Filipina actress na si Beauty Gonzalez na unang nakilala sa PBB ng ABS-CBN. Napatunayan na rin ang husay niya bilang aktres sa ilang Kapamilya shows na ang pinakahuli ay ang “Kadenang Ginto” kung saan nagmula ang sikat ngayong Gold Squad na sina Andrea Brillantes, Kyle Echarri, Francine Diaz at Seth Fedelin .

Matatandaang 2018 pa nang unang lumabas ang mga haka-hakang magiging Kapuso na ang aktres matapos makitang bumisita siya sa GMA Network Center and had a talk with some Kapuso executives.

Uminit pa ang mga ispekulasyon nang mag-guest si Beauty sa game show na ‘Celebrity Bluff’ ni Eugene Domingo.

At ngayon nga ay kumpirmado nang mapapanood si Beauty sa isang upcoming GMA soap. Too early to divulge more about the project pero siguradong bibigyan si Beauty ng big welcome ng GMA Netwotrk para dito.

Dingdong naging member ng San Beda cheerleading squad

NAGING member pala ng San Beda Cheerleaders Association si Dingdong Dantes.

Ipinalabas sa isang episode ng ‘Rise Up Stronger: The Road to NCAA Season 96’ ang isang short video kung saan si Dingdong ay kasamang nagpi-perform para sa isang game. Ayon kay Dong, hindi siya pinalad na mapasali sa basketball varsity team kaya para makapag-contribute sa sports league, sumali na lang siya sa cheering squad.

Isang sports and health buff, isa si Dingdong sa mga excited nang mapanood ang pagsisimula ng bagong season ng NCAA. Napapanood ang ‘Rise Up Stronger: The Road to NCAA Season 96’ sa GTV, Mondays to Fridays, 2:45 p.m., Saturday, 4:30 p.m., and Sunday 5:05 p.m.

AUTHOR PROFILE