Livescream

Elijah sa ‘Livescream’ role: It was wild!

October 30, 2022 Ian F. Fariñas 261 views

Marami nang kumikita ngayon sa pagla-live stream. Kadalasan, ang video na may pagka-kontrobersyal ang mas pinapanood at pinag-uusapan sa social media.

Ang Livescream na mula sa direksyon ni Perci Intalan (Unforgettable, Distance, Dementia), ay tungkol sa isang online influencer na si Exo.

Sumusobra na siya sa paggawa ng mga prank video na nakakasakit ng mga tao. Kaya naman maraming nananawagan na ‘wag na siyang suportahan at kanselahin pa nga.

Isang araw, nagising na lamang siya sa isang kwarto at siya ay isang bihag. Sa umpisa, akala niya ay isang prank lamang ito ng kanyang nobya pero nagbago ito nang nakakatanggap siya ng utos na gamitin ang “torture wall,” at kung hindi ay maparurusahan ang kanyang nobra at lola.

Wala nang control si Exo sa kanyang sitwasyon at makararanas siya ng iba’t ibang klase ng pang-aabusong pisikal, sekswal at mental. At lahat ng ito ay naka-live streaming.

Kwento ni Direk Perci, ang inspirasyon ng “torture wall,” kung saan pinapasok ni Exo ang iba’t ibang parte ng kanyang katawan, ay mula sa lumang pelikula ni Audrey Hepburn na Roman Holiday.

Aniya, “There is a scene there where she dares Gregory Peck to put his hand in the ‘Boca de la Verita,’ the Mouth of Truth, which is essentially a hole carved into a wall.”

“The movie is a romantic comedy but they played up a lot of suspense in that scene. From there, we then explored the idea of putting any part of your body through a hole in the wall — and of course, another good source of inspiration is BDSM and sex fantasy. I noticed people recognize the idea of a ‘Glory Hole’ even without us referring to it as such.”

Ang papel na Exo ay ibinigay sa award-winning actor na si Elijah Canlas (Best Actor sa Gawad Urian, FAMAS, Asian Film Festival, Asian Film Festival Rome at Harlem International Film Festival) dahil kayang-kaya niyang ipakita ang lahat ng uri at lebel ng emosyon para ipagpatuloy ang kwento.

Bagamat ipaglalaban ni Elijah ang kanyang pamilya, at may harmless pranks din siyang ginagawa, ipinagmamalaki niya na hindi siya tulad ni Exo na “selfish, ruthless at social climber.”

Dagdag niya, ito ay dahil si Exo ang breadwinner ng pamilya.

Ito ang unang beses na gumawa si Elijah ng horror film at labis niya itong ikinatuwa.

Aniya, “The horror/thriller genre is one of the most creative genres. The best ones always have the most unique concepts… We just went crazy with it (Livescream). It has this fresh way telling a familiar concept and I’m so proud of that. Livescream really brings a new sense of freshness and fun to Filipino horror. With memorable scares, too! You’d know what I mean when you watch it.”

Tungkol naman sa pinaka-challenging na aspeto ng paggawa ng pelikulang ito, ibinahagi niya na dahil solo niya ang mga eksena ay talagang naghanda siya “physically and mentally” para rito.

Kwento pa ni Elijah, “I was topless and barefoot for most of the film, too. Covered in fake blood and dirt everyday. Had an accident during one of the stunts. But what’s most memorable is the fact that I had a ton of ‘niknik’ bites. Grabe ‘yung sand mites na ‘yun. My body was so red and so itchy. You have no idea. Couldn’t sleep at some point during the lock-in. Nahirapan na rin akong huminga at times dahil umabot na siya sa leeg ko. It was wild!”

Kasama rin sa pelikula ang MMFF Best Supporting Actress na si Phoebe Walker (Seklusyon) bilang Amanda, ang girlfriend ni Exo.

“Ang baguhang aktres namang si Kat Dovey ang napili mula sa audition para sa role na online influencer na si Raiza dahil kuhang-kuha niya ang pagiging playful at cold-hearted,” sabi ni Direk Perci.

Maaaring i-stream on demand ang Livescream simula November 9 sa Vivamax Plus.

AUTHOR PROFILE