Elha nagtitinda ng pagkain sa UP

March 23, 2023 Aster Amoyo 415 views

Elha1PINASOK na rin ng The Voice Kids (Philippines) Season 2 grand winner, ang young singer na si Elha Nympha ang pagnenegosyo kahit sa murang edad nito.

It was last January 28, 2023 nang mag-soft opening ang kanyang itinayong food stall sa loob ng University of the Philippines canteen na may pangalan na Bien Fait ( French words for Well Done). February of this year naman nang ito’y magkaroon ng grand opening. Steak ang specialty ng kanyang food stall.

Ang mga estudyante, professors at empleyado ng U.P. ang regular customers ng food stall ni Elha.

Isa sa mga pangarap ni Elha ay ang makapagtayo ng kanyang dream restaurant balang araw.

Magiging inspirasyon si Elha ng iba pang mga kabataang celebrities na magsimulang mag-invest nang maaga. Mapakikinabangan nila ito balang araw sa mga panahong wala sila gaanong assignments o trabaho.

Elha started singing at age 2. When she turned 7 ay nagsimula siyang mag-audition sa iba’t ibang amateur singing competitions. When she was 9, nag-audition siya sa unang season ng The Voice Kids (Philippines) kung saan nanalo si Lyca Gairanod. Pero hindi anawalan ng pag-asa si Elha at muling nag-audition for the 2nd second season at siya na ang nagwagi.

Bukod sa “The Voice Kids Season 2” album under MCA Records, she also released her self-titled debut album “Elha” under MCA Records nung 2016.

Ilang pagbabago sa EB inihayag na

TVJTonyJalosjosHANGGANG ngayon ay nananatili pa ring mga espekulasyon ang lumalabas na mga balita na may kinalaman sa mga pagbabagong mangyayari sa top-rating and longest-running noontime show sa Pilipinas (o maging sa buong mundo), ang “Eat Bulaga” ng TAPE, Inc. owned by businessman and former politician Romeo `Romy’ Jalosjos, Jr. with business partner Tony Tuviera. Pero totoong may mga pagbabagong mangyayari sa programa ngayong involved na ang mga anak ng dating kongresista na sina Soraya, Lana at mga politician na rin na sina Jon-Jon at Bullet Jalosjos.

Ayon sa balita, ang dating kongresistang si Jon-Jon Jalosjo sumano ang tumatayong CEO or Chief Operating Officer ngayon ng TAPE, Inc. with Soraya as VP for Administration habang ang alkalde ng Dapitan City na si Bullet Jalosjos ang VP for Finance.

Pinabalik na rin umano ang dating COO (Chief Operating Officer) ng TAPE, Inc. na si Malou Choa-Fagar who already retired nung January 1, 2022.

Kung may mga pagbabago sa mga host and staff ng TAPE, Inc. lumulutang ang balita na si Louie Ignacio na rin umano ang magiging bagong director ng longest-running noontime show.

Nakatakda umanong i-implement ang mgapagbabago sa “Eat Bulaga” simula sa darating na April 17, 2023. Nabalitaan din naming na magpapatawag ng media conference ang bagong pamunuan ng TAPE, Inc. para i-anunsyo ang mga pagbabago sa noontime program na sinimulan nung July 30, 1979 up to the present.

Dito rin malalaman kung mananatili pa sa programa o hindi na ang tatlong poste ng noontime show, ang Tito, Vic & Joey maging ang long-time business partner ni Romy Jalosjos na si Tony Tuviera.

LT mapapanood na rin sa ‘FPJ’s Batang Quiapo’

HINDING-hindi makakalimutan ng award-winning actress na si Lorna Tolentino ang kanyang three-year stint sa top-rating and longest-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbidahan and co-directed by Coco Martin na siya ring tumayong creative director ng serye.

Hindi rin makakalimutan ng mga manonood ang kanyang character na si Lily na kanilang kinamuhian.

Muling mapapanood si LT sa bagong action-drama TV series ni Coco, ang FPJ’s Ang Batang Quiapo.” Although hindi pa inihahayag ni LT ang kanyang bagong character sa serye, excited na siya sa kanyang unang taping sa nasabing TV series and to work again with Coco and his team na sobra umano niyang hinahangaan.

Pero bago ang pagsisimula niya sa taping ng “FPJ’s Ang Batang Quiapo” ay mapapanood si LT sa kanyang first movie for the Metro Manila Summer Film Festival, ang “Yung Libro sa Napanood Ko” na pinagbibidahan, sinulat at dinirek ni Bela Padilla along with South Korean actor na si Kim Gun-hoo na mapapanood na sa mga sinehan simula ngayong April 8 to 18, 2023.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE