Truck

Elf truck sumalpok sa bahay, 3 patay

July 10, 2023 Zaida I. Delos Reyes 229 views

TATLO katao ang nasawi habang dalawa ang nasugatan matapos na salpukin ng Elf truck ang isang bahay Lunes ng umaga sa Dolores, Quezon.

Nakilala ang mga nasawi na sina Romulos Carona, driver ng truck; Thomas Villanueva, may-ari ng bahay at manugang nito na si Jerrylyn Villanueva.

Batay sa ulat ng Dolores Municipal Police Station, naganap ang insidente dakong 10 a.m. sa gilid ng highway sa Barangay Sta Lucia.

Iniwasan umano ng truck ang isang tricycle subalit nawalan ng kontrol sa manibela ang driver at sumalpok sa bahay na nasa gilid ng highway.

Dahil sa lakas ng impact ng aksidente, dead on the spot ang driver, nawasak ang bahay at naipit ang magbiyenan.

Nasugatan din ang dalawa katao na mabilis namang isinugod din sa pagamutan.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang bigyang linaw ang insidente.