Crime

Elevator bumulusok pababa, technician dedo

September 8, 2023 Jonjon Reyes 451 views

PATAY ang isang technician nang magtuloy-tuloy na bumulusok paibaba ang nire-repair niyang elevator sa Claro M. Recto Avenue at Tomas Mapua St., sa Sta.Cruz, Maynila Huwebes ng gabi.

Nakilala ang biktima si Joseph Abellera ng Caloocan City

Base sa ulat ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang7:00 ng gabi nang maganap ang insidente.

Ayon sa isang kasamahan ng biktima, huling nakitang buhay si Abellera ng dakong 4:00 ng hapon habang ginagawa ang may diperensiyang elevator sa ika-8 palapag ng gusali.

Nagulat na lang ang mga saksi nang makarinig ng sigaw at malakas na kalabog sa ground floor.

Doon na nila nakita ang duguang biktima.

Isinugod ng mga kasamahan niya si Abellera sa Jose Reyes Memorial Medical Center at doon na idineklarang dead-on-arrival ni Dr. Norvy Benedicto.

AUTHOR PROFILE