Default Thumbnail

Election hot spot na naman ang Caloocan?

November 24, 2021 Allan L. Encarnacion 318 views

Allan EncarnacionMUKHANG mailalagay na naman sa hot spot ang Caloocan City tulad ng mga nangyaring eleksiyon sa mga nakaraang dekada.

Hindi natin alam bakit nangyayari ang kaguluhang ito dahil lamang sa pinaglalabanang posisyon kung totohanang paglilingkod sa bayan lang ang usapan.

Nito lang nakaraang weekend ng madaling araw, 12 naka-bonnet na goons ang sumalakay umano sa ginagawang headquarters ni 2nd district Congressman Egay Erice sa Bagombong.

Winasak na ang mga campaign materials, ninakaw pa ang mga appliances, mga computers at generetors.

Katatapos pa lang ng headquarters na pinagamit ng mga volunteer businessmen kay Cong. Erice sa district 1 nang ito ay salakayin. May mga nakuhang footage sa CCTV, kahit naka-complete criminal gears pa ang mga may kagagawan. Ang balita natin may mga nakilala na sa kanila at alam na rin kung sino ang kanilang amo.

Malaking hamon kay Caloocan police chief, Col. Samuel Mina ang pangyayaring ito sa Bagumbong na kapag hindi nalutas ay pagmumulan ng matinding kaguluhan sa mga darating na araw.

Hepe, wala tayo sa Maguindanao para maging normal lang ang ganitong klase pangyayari sa mga kandidato. Nasa National Capital Region lang tayo, wala sa kabundukan!

Hinahamon natin ang bagong Chief, PNP Director General Dionardo Carlos na atasan si Col. Mina na pakialaman ang nakaambang kaguluhan sa Caloocan.

Bago pa ang nakawang ito, may mga insidente na ng winasak ang gulong ng mga sasakyan ni Cong Egay habang nakaparada at tinatakot ang mga tricycle at jeepney drivers na nagsusuot ng kuloy asul.

May mga grupo rin ng kalalakihan ang pumapasok sa mga bahay-bahay para wasakin umano ang lahat ng mga posters ni Cong Egay.

Hindi ko naman alam kung bakit trip na trip nilang wasakin ang mga tarplauline kahit nakadikit na sa loob ng mga bahay. Ang laki ng problema ng mga taong gumagawa nito.

Hindi lang iyong mga “naka-shorts-shorts” ang hinuhuli sa Caloocan, pati iyong mga tricycle at padyak na may nakadikit na poster ni Cong Egay, hinuhuli. Bawal daw ang paglalagay ng posters sa mga public utility vehicle! Kailan pa?!

Umaasa tayong ang insidenteng ito sa headquartrers ni Cong Egay ay humudyat sa Comelec, PNP at DILG para tutukan ang lungsod bago pa lalong lumubha ang sitwasyon.

[email protected]