Elected

Elected female official santa-santitang talakera

February 19, 2025 Jun Nardo 194 views

SANTA-SANTITA pala ang isang female elected official. Mabait siya kapag kaharap ang mga constituent niya pero matalak at mataray sa staff lalo na kapag nagkamali sa paggawa ng events sa lugar niya.

Nasaksihan ng isang acclang host ang katarayan ng female elected official nang maimbitahan siya sa isa nitong event as host.

Habang naghahahanda sa event, sa backstage muna tumambay si accla. Biglang pumasok si elected official, hinanap ang staff at saka tinalakan nang tinalakan na parang wala nang bukas, huh!

Sa hiya sa ginawa ng opisyal, tumahimik na lang si accla at kiyeme-kiyemeng may binabasa para di mapansin ng elected official, huh!

MARK SINORPRESA SI JOJO

HINDI direktang sinagot ng singer na si Jojo Mendrez ang tanong tungkol kay Mark Herras na naispatang kasama niya sa isang lumabas na video.

“Kahit naman oo o hindi ang sabihin ko, marami pa ring iisipin ang mga tao. Kaya mas mabuti ‘yung tahimik na lang at sana, eh, matigil na ito dahil marami na ang naaapektuhan,” pahayag ni Jojo sa mediacon ng launching ng bago niyang single under Star Music na “Nandito Lang Ako.”

Si Jojo ang tinaguriang Revival King dahil ang revival niya ng lumang kanta, eh, umabot na sa 45 million views across all social media uploads.

Sa totoo lang, ang latest revival ni Jojo na “Somehwhere In My Past,” na unang kinanta ng young superstar na si Julie Vega, eh, dumaan sa butas ng karayom bago mai-record.

Ilan pa sa mga ni-revive niya ay ang “Handog,” “Tuyo Nang Damdamin” at “Magkabilang Mundo.”

Self-made man si Jojo at ngayon ay bahagi na siya ng Star Music PH.

Habang kinakanta nga pala niya ang “Nandito Lang Ako,” biglang sumorpresa si Mark sa venue at binigyan siya ng bulaklak.

Basta si Jojo, tuloy lang ng pagbigay ng awitin na una niyang pag-ibig bago naging maganda ang buhay.

Sa mediacon, imbitado ang fans ng singer at nagpa-raffle sa media na dumalo kung saan win ang aming editor, huh!

AUTHOR PROFILE