Eleazar umangat sa survey, kampanya pinalakas pa

February 21, 2022 Marlon Purification 201 views

Marlon PurificationPINAIGTING pa ni senatorial candidate at dating PNP chief Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar ang mga aktibidad para makadaupang-palad ang mas maraming Pilipino at maiharap ang kanyang plataporma matapos ang pagtaas ng ranking nito sa mga survey.

Si Eleazar ang nag-iisang kandidato sa Senado na mula CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal and Quezon).

Binisita ni Eleazar ang ilang bayan at lungsod ng Batangas, partikular na Lipa City, Tanauan City, Calaca at mga kalapit pang munisipalidad at siyudad.

Dalawang magkasunod na araw nagkaroon ng motorcade at kapansin-pansin ang mainit na pagtanggap ng mga Batangenyo kay Eleazar.

Nagsagawa din si Eleazar ng courtesy calls sa mga local chief executive na nagbigay din ng pangakong susuportahan ang kanyang laban sa Senado.

Samantala, impresibo naman ang pagtaas ng ratings ni Eleazar.

Mula sa 22-24 na ranking sa December 2021 surveys ng Pulse Asia at SWS, umakyat si Eleazar sa ranking na 17-19. Magandang pangitain ito lalo’t malayo pa ang inaabangang May 9, 2022 national elections.

Sa mga kumakandidatong senador na nasa “Top 20,” si Eleazar ang may pinakamalaking pag-abante na walong puntos.

“Naniniwala tayo lalo pang mag-i-improve ang ating sa sipag sa pangangampanya upang makilala pa tayo ng husto ng ating mga kababayan at malaman nila ang aking plano para ipaglaban ang araw-araw na laban sa buhay ng ating mga kababayan,” ani Eleazar.

Sa ganang akin, tama ang direksiyon ng kampanya ni Eleazar. Sabihin n’yo na pong bias ako, pero gusto ko po talagang manalo ang dating PNP chief.

Kasi kilala ko ang kanyang pagkatao at alam ko na malaking tulong siya sa bansa sakaling maging senador ng Pilipinas.