Eleazar tapat na lingkod-bayan

January 9, 2022 Vic Reyes 287 views

Vic ReyesSA darating na eleksyon, dapat maging mapanuri ang mga botante.

Sa dami ng ating mga problema, ang kailangan natin ay mga lider na tapat maglingkod sa bayan.

Huwag tayong magpadala sa mga pangako ng mga kandidato sa panahon ng kampanya.

Ang tingnan natin ay ang track record ng mga kandidato.

Kahit hindi mangako ng buwan at bituin ang isang kandidato ay dapat suportahan ng mga botante kung may magandang record ito sa serbisyo.

Isa na rito si dating PNP Chief Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar na kilalang istrikto pero “just and fair.”

Malapit at mahal ito ng mga mamamahayag dahil sa kanyang “sterling qualities” at imaheng “action man.”

Hindi natin personal na kaibigan si Sir Guilor pero isa siyang alamat kung ang pag-uusapan ay ang kanyang serbisyo sa bayan at taumbayan.

Labindalawa naman ang mananalong senador sa darating na eleksyon.

Subukan naman nating suportahan ang isa pang tapat na lingkod-bayan.

***

Tama ang ginagawa ng Bureau of Customs(Boc) sa pagsubasta sa mga “overstaying” na kargamento.

Hindi lang ito nakakadagdag sa koleksyon ng BoC kundi nakakatulong pa ito para maiwasan ang “port congestion.”

Noon ngang nakaraang taon ay umabot ng P555.4 milyon ang kinita ng BoC dahil sa mga public auction sa buong bansa.

Ang mga isinubasta ay kinabibilangan ng bigas at galvanized steel.

Mahigit na 2,000 containers ang isinubasta sa buong bansa.

Total na 1,150 na containers naman na naglalaman ng ukay-ukay, nabubulok na produkto at iba pang walang halagang gamit ang sinira ng ahensya.

Ang mga isinubasta na kargamento ay kinabibilangan ng mga abandonado, forfeited at kuspiskado.

Sa ilalim ng batas ay may kapangyarihan ang BoC na sirain, isubasta o ipamigay ang mga forfeited, abandonado o kumpiskadong kargamento.

Ang ibang produkto namang sinisira ay ang mga may banta sa kalusugan ng tao at hayop.

Kadalasan naman ay ipinamimigay ng BoC sa DSWD ang mga produktong nakatutulong sa mga mahihirap at mga biktima ng kalamidad na nakatira sa mga evacuation center.

***

Mabuti naman at laging sinasabi ng COMELEC na tuloy ang eleksyon sa Mayo 9.

Hindi katanggap-tanggap sa masang Pilipino ang pagpapaliban ng nakatakdang halalan.

Nasa ating Saligang Batas na kailangang magkaroon ng presidential election sa Mayo.

Sa totoo lang, lahat ng pagtatangkang amiyendahan ang ating Saligang Batas ay nabigo dahil sa tindi ng pagtutol ng taumbayan.

Ang suspetsa kasi ng marami ay gusto lang ng mga nakaupo sa gobyerno na manatili sa puwesto kaya isinusulong ang Cha-cha.

Huwag natin agawin sa mga botante ang kapangyarihang pumili ng mga karapat-dapat na maluklok sa puwesto, mula presidente hanggang konsehal.

Ang gawin niyo na lang ay kumbinsihin ang mga bototante na iboto kayo o iboto ang mga kandidato niyo.

Tama ba kami, Comelec Chairman Sheriff Abas?

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa# 0917-8634484/email: tingnannatin08@gmail.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE