PNP Pinangunahan ni PNP Chief.Police General Guillermo T. Eleazar ang pamamahagi ng ayuda sa mga residente ng Baseco Comp,Port Area Manila. Kasama ni Eleazar si MPD Director PBGen. Leo M. Francisco at Team “PACO” sa pamamahagi ng tulong. Naka-assist naman si PLT. Col. Robert Domingo, commander ng MPD Statiom 13 na siyang nakakasakop sa nasabing lugar. Kuha ni JON-JON C. REYES

Eleazar, Francisco namahagi ng ayuda sa Baseco

August 12, 2021 Francis Naguit 142 views

PINANGUNAHAN nina PNP Chief Gen. Guillermo Lorenzo Tolentino Eleazar at ni Manila Police District Director PBGen. Leo M. Francisco ang pamamahagi ng ayuda Huwebes ng umaga sa Baseco, Manila

Kasama nina Eleazar at Francisco si Robert Domingo , hepe ng Baseco PS-13, at mga barangay chairman ng Baseco.

Siniguro ni Eleazar na nasusunod ang health protocols ngayomg nasa enhanced community quarantine (ECQ) ang National Capital Region (NCR) dahil sa tumataas na Delta variant cases sa bansa.

Inihayag naman ni Francisco kay Eleazar na nanatili and peace and order at kalinisan sa Maynila sa ilalim ng kanyang pamumuno kasama ang lahat ng Station Commanders mula PS-1 at PS-14.

Hinabilin ni Francisco sa lahat ng barangay chairman at tanod at lahat ng force multiflier sa Maynila ang layunin ni Francisco na mapanatiling maayos at tahimik ang lungsod.

Nanawagan din si Francisco sa lahat ng taga Maynila na sundin ang curfew na pinaiiral tuwing alas 10 ng gabi at alas 4 ng umaga.

Ang lahat ng Authorized Persons Outside Residence (APORs) ay pinapayagan kung may kaukulang docomento ipakikita sa mga alagad ng batas, ani Francisco. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON C. REYES

AUTHOR PROFILE