Dizon1 INSPEKSYON–Pinangunahan ni MPD Chief PBGen. Andre Dizon ang pag monitor sa naganap na anibersaryo ng El Shaddai sa Luneta grandstand noong Sabado. Kasama niya si PLt. Col. Gilbert Cruz, ang hepe ng station 5.

El Shaddai nagdaos ng 39th anniv sa Quirino Grandstand

August 21, 2023 Jonjon Reyes 173 views

DizonMAHIGIT 50,000 katao ang dumalo sa ika-39 taong anibersaryo ng El Shaddai sa Quirino grandstand sa Rizal Park noong Sabado.

Nagsimulang dumagsa ang mga tao bandang 9:00 ng umaga at nagsimula ang programa bandang 2:00 ng hapon.

Mismong si Manila Police Director Police Brigadier Andre Perez Dizon ang nag-inspeksyon sa lugar at agad na inabisuhan bilang ground commander si Police Lieutenant Colonel Gilbert Cajurao Cruz ng Station 5 kasama si Police Major Edwin Fuggan.

Pinangunahan ni Police Major Joemar Mukkaram ang seguridad sa paligid ng grandstand habang nag tulong-tulong ang iba’t ibang departamento ng MPD sa pagga-guide sa mga dumalo.

Nagdatingan ang mga panauhin sa anibersaryo na sina Sen. Bong Go, Sen. Cynthia Villar, Defense Secretary Gibo Teodoro Jr. at Cardinal Luis Antonio Tagle.

Dumating din si Sen. Win Gatchalian, Sen. Jinggoy Estrada at Congresswoman Lani Mercado Revilla .

Bandang 6:00 nang dumating ang lider ng El Shaddai na si Mike Velarde at sinimulan na ang programa. Dumalo din si Sen. JV Ejercito at iba pang panauhin.

AUTHOR PROFILE