Kim

Eksena sa hagdan, tumatak kay Kim

September 15, 2022 Ian F. Fariñas 1484 views

PANALO para kay Kim Chiu ang eskena nila sa hagdanan ng real-life boyfriend na si Xian Lim sa pelikulang Always.

Ang Always ay Pinoy adaptation ng isang sikat na Korean movie na mapapanood na sa mga sinehan nationwide simula September 28.

Sa grand media conference kahapon, sinabi ni Kim na, “Nagulat ako na nakahanap sila Direk ng katulad din talaga nu’ng hagdan nu’ng nasa Korea kaya sabi ko, ‘hala kaya pala tayo dito sa Olongapo kasi ito pala ‘yung hagdan dito, ‘yung ang taas tapos colorful tapos hindi na pinasadya talaga na gawin, na meron din naman pala tayo dito sa Pilipinas. Excited ako na makita ng mga tao yung ano namin, yung Filipino touch na meron kami du’n sa eksena na ‘yon.

“Actually, maraming parallel na eksena na sobrang the same talaga sa Korean kaya inaral din talaga namin and nalaman namin habang nagshu-shooting kami meron din palang Turkish version nu’n. Hanggang sa dumami, may Japanese version din pala so mahalin natin ang sariling atin. So, September 28, hahaha!”

Sa Always, ginagampanan ni Kris ang papel ng bulag na si Anna habang si Xian naman si Lino, ang boksingerong may madilim na nakaraan at maiinlab sa kanya.

Bilang big screen reunion ito ng tambalang KimXi after 10 years, excited na ang fans at followers ng dalawa na mapanood ang obra ni Direk Dado Lumibao mula sa Viva Films.

AUTHOR PROFILE