Ekolohiyang may ritmo at pagkakaisa sa kalikasan
KARAPATAN ng kasalukuyang henerasyon ng mga Pilipino na magkaroon ng balanse at nakapagpapalusog na ekolohiya namay ritmo at pagkakaisa sa kalikasan at may katapat itong taimtim na tungkulin na iwasan sirain ang kapaligiran (Seksyon16, Artikulo II, 1987 Konstitusyon). Ang paglisa sa karapatan attungkuling ito ang magpapalitaw ng ugat ng maperwisyong bahasa Kalakhang Maynila.
Tinutukoy ng ekolohiyang may ritmo at pagkakaisa sa kalikasan ang makatwirang disposisyon, paggamit, pamamahala, pagpapanariwa at pangangalaga ng kagubatan, mineral, lupa, tubig, pangisdaan, mailap na hayop, karagatan lampas sadalampasigan at iba pang likas na yaman upang ang kanilangpagpapaunlad at paggamit ay pantay na mapapakinabangan ngkasalukuyan at mga susunod pang henerasyon. Tungkulin ng bawat henerasyon na mapanatili ang ekolohiyang ito.
Maling isipin na mahinang uri ang karapatan sa ekolohiyana nakalista sa artikulo ng Pahayag ng mga Simulain at mgaPatakaran ng Estado, kung ikukumpara sa mga karapatang sibilat pampulitika sa artikulo ng Bill of Rights. Sa katunayan, ang karapatan sa ekolohiyang may ritmo at pagkakaisa sa kalikasan ay saklaw ng ibang kategorya ng mga karapatan na may kinalaman sa pangangalaga sa sarili at pagpapatuloy ng sankatauhan. Masasabing una pa ito bago pa itinatag ang pamahalaan at konstitusyon. Samakatuwid, ang kategoryang ito ay hindi na kailangang isulat pa sa Konstitusyon. Kung tahasan itong binabanggit sa Artikulo II, ito ay dahil sa sapat na takot ng mga nagbalangkas ng Konstitusyon na maaaring makaligtaan ng Estado ang kahalagahan ng ekolohiya kaya pinataw sa estadoang isang taimtim na obligasyon na pangalagaan at protektahanito.
Sa Oposa et al v Factoran (1993), kilala sa buong mundo bilang MINORS case, ang mga magulang ng mga menor de edad ay umapela sa Korte Suprema upang pigilin ang DENR na maglabas ng mga kasunduan sa lisensya ng troso sa ngalan ng “mga hindi pa isinisilang na henerasyon.”
Sinabi sa Oposa na ang Pilipinas ay may kabuuan lupain na tatlumpung milyong (30,000,000) hektarya na hitik sa luntiang kagubatan kung saan iba’t-iba, pambihira at natatanging ispisisng flora at fauna ay matatagpuan. Pinapakita ng siyentipikong ebidensya na upang mapanatili ang balanse at nakapagpapalusog na ekolohiya, dapat sundin ang rasyo (ratio)na 54%-46%: 54% para sa kagubatan, at 46% para sa agrikultura, tirahan, pang-industriya, komersyal at iba pang gamit. Ang pagkakalbo ng gubat ay gagambala sa ideyal na rasyo at magreresulta sa mahigit kumulang labing isang trahedyasa kapaligiran, tulad ng (a) pagkatuyo ng mga ilog , bukal at batis, (b) “salinization” ng water table bilang resulta ng pagpasok dito ng tubig-alat, (c) malawakang pagguho ng mgabundok, (d) pagkalipol ng iba’t ibang flora at fauna, (e) kaguluhan at dislokasyon ng mga kultural na pamayanan at pagkawala ng mga katutubong kultura, (f) “siltation” ng mga ilog at seabed at ang kalalabasang pagkasira ng mga korales na hahantong sa kritikal na pagbawas sa produktibidad ng yamang dagat, (g) paulit-ulit na tagtuyot, (h) paglakas ng hampas ng hangin ng bagyo dahil sa kawalan ng kagubatan na nagsisilbing“windbreaker”, (i) pagbaha sa kapatagan , (j) pagpapaikli ng buhay ng multi-bilyong pisong mga prinsa para sa tubig sa kabahayan, irigasyon at paglikha ng kuryente, at (k) ang pagbabawas ng kapasidad ng daigdig na magproseso ng carbon dioxide na nagbabago ng klima (global warming).
Noon 1968,ang Pilipinas ay mayroon 16 milyong hektaryang rainforest na katumbas ng humigit-kumulang 53% ng lupain ng bansa. Pagkaraan ng 25 taon (1993), nasa 1.2 milyong hektarya na lang ang nasabing rainforest na katumbas ng 4% ng lupain ng bansa. Nakakatakot ito. Pinatigil ng Korte Suprema ang DENR na maglabas ng mga bagong kasunduan sa lisensiya sa pagtrotroso at pinasama sa demanda ng mga menor de edad ang mga pinagkalooban ng lisensiya upang makansela ito.
Ang labing isang trahedya ng kapaligiran ay nararanasan nanatin, partikular ang baha sa Kalakhang Maynila dahil sa pagliitng sukat ng ating rainforest. Nawa ay maging kampeon ng ekolohiya ang Pangulo alang-alang sa susunod na henerasyon.