Ynares

Educational assistance mula sa Antipolo LGU

January 26, 2023 People's Tonight 809 views

Pinangunahan ni dating Antipolo City Mayor Andrea ‘Andeng’ Ynares ang pamamahagi ng iba’t-ibang scholarship/educational assistance grant sa libo-libong iskolar ng siyudad. Ayon sa dating alkalde, gaya ng sabi ng pinagkukuhanan ng lakas at talino ng probinsya na si Gat Jose Rizal: “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan,” kaya’t dapat silang suportahan.

Sinabi naman ni Antipolo City Mayor Jun Ynares na patuloy na aalalay ang siyudad “dahil ang tagumpay ng bawat kabataan ay tagumpay ng Lokal na Pamahalaan ng Antipolo sa paghahatid ng mas magandang kinabukasan sa mga residente nito.”

Nagbigay din ng cash incentives ang Antipolo LGU (local government unit) sa mga batang nagtapos na may Latin Honor Award bilang pagkilala ng kanilang ipinamalas na husay at galing sa kanilang paaralan.“Sana ay mag silbing karagdagang motivation ito sa ating mga mag-aaral. Masaya kami na makita na unti-unti kayong nagtatagumpay sa buhay,” ayon kay dating Mayora Andeng Ynares.

AUTHOR PROFILE