Edu

Edu: Teritoryo ng ’Pinas, ipaglaban laban sa dayuhan

March 19, 2022 Ian F. Fariñas 123 views

SUMAMA si Edu Manzano sa grupo nina VP Leni Robredo sa Bacolod City, kung saan mahigit 86,000 katao ang dumalo sa grand rally sa Paglaum Stadium.

Itinuturing ito na pinakamalaking pagtitipon ng mga tagasuporta ni Leni mula nang mag-umpisa ang kampanya.

Kasama niya ang girlfriend na si Cherry Pie Picache at nag-host pa ang dalawa sa grand campaign rally ng Bise Presidente sa Iloilo.

Para kay Edu, nakatitiyak ang mga Pilipino na ipaglalaban ni Leni ang teritoryo ng bansa laban sa panghihimasok ng mga dayuhan.

“Kay Leni Robredo, sigurado tayo, ang atin ay atin,” pahayag ni Edu sa isang video message.

“Ipaglalaban niya ang Pilipinas para sa Pilipino,” dagdag pa niya.

“Kaya may mga bansang ninanakaw ito sa atin, mga banyagang inaapi ang ating mga mangingisda… ’yung para bang wala tayong karapatan sa sarili nating likas na yaman.

“Kailangan nating ipaglaban ang sa atin. At kailangan natin ng lider na handang pumalag dahil ang atin ang atin,” giit pa niya.

Dahil sa matapang na posisyon ni Leni sa WPS, sinuportahan siya ng mga dating opisyal at miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Tumatakbo si Leni sa plataporma ng “Oplan Angat Agad,” na nakatuon sa trabaho, kalusugan at edukasyon.

AUTHOR PROFILE