Edu

Edu, inamin ang relasyon kay Cherry Pie

November 21, 2021 Vinia Vivar 324 views

Kinumpirma na ni Edu Manzano na may relasyon sila ni Cherry Pie Picache. Ayon sa Facebook post ng News5, umamin ang aktor sa News5 anchor na si Cheryl Cosim.

“Cherry Pie Picache at Edu Manzano, Magkarelasyon Na. Kinumpirma ito ni Edu Manzano kay News5 Anchor Cheryl Cosim matapos lumabas sa social media ang sweet photos nila habang namamasayal sa New York,” ang nakasaad sa art card na ipinost ng News5.

Bago ito ay mainit na usap-usapan na tila may namumuong relasyon sa dalawa dahil sa post ni Cherry Pie sa kanyang Instagram last November 11 ng series of photos habang nasa New York siya.

Sa mga nasabing larawan ay makikita si Cherry Pie kasama ang cast ng Marry Me, Marry You at iba’t ibang friends.

Kapansin-pansin sa mga nasabing larawan na laging magkadikit sina Edu at Cherry Pie at may isang photo pa na parang nakahilig ang huli sa una.

Magkasama sina Edu at Pie sa Marry You, Marry Me at mukhang dito nagsimula na magka-develop-an sila.

In fairness, bagay naman sila at sa rami ng pinagdaanan nila sa kanilang buhay-pag-ibig, they deserve to be happy.

DESPERADO

Ubos na ang pasensya ni Lukas sa asawang si Vanessa (Agot Isidro) matapos niya itong mahuling nakikipagkita na naman nang palihim kay Conrad (Christian Vasquez) sa teleseryeng La Vida Lena na napapanood sa Kapamilya Channel, A2Z at TV5.

Sa sobrang galit ni Lukas, pinagbawalan niya si Vanessa na lumabas ng bahay at makipag-usap sa iba. Ito ay matapos ipamukha ni Lukas kay Vanessa ang litratong nakuha niya kung saan yakap-yakap ni Conrad ang asawa sa naging pagkikita nila.

Malaki rin ang problema ni Vanessa dahil bukod sa pagpalya ng plano ni Conrad na ipaligpit si Lukas, napatay mismo ng anak nilang si Adrian (JC de Vera) ang taong papatay sana kay Lukas.

Tuliro rin si Adrian dahil hindi siya makapaniwalang nagawa niya iyon habang pinoprotektahan ang sikreto ng mga totoong magulang niya.

Dahil sa pagtatraydor ni Vanessa, desperado si Lukas na makahanap ng matinong kakampi kay Jordan (Carlo Aquino) para makilala ang bawat galaw ng kaaway niyang si Lena (Erich Gonzales).

Ang hindi naman alam ni Lukas, gusto lamang mapalapit sa kanya ni Jordan dahil gusto nitong makahanap ng baho para mapabagsak ang pamilya niya.

AUTHOR PROFILE