
EDSA ginawang photo album ni Kim — Darren
Katakot-takot na kantyaw ang inabot ni Kim Chiu mula sa kanyang bestie na si Darren Espanto habang nagbibiyahe sa kahabaan ng EDSA kamakailan.
Ibinahagi ng Kapamilya singer sa kanyang Instagram Story ang video (na expired na ngayon) ng asaran nila ni Kimmy habang binabaybay ang EDSA.
Paano kasi ay puro billboard ni Kim ang nakikita ni Darren sa EDSA dahil sa rami ng endorsements nito.
Kaya naman nakaisip si Darren ng game na ‘Finding Kim Chiu’ habang pinapakita ang sunod-sunod na billboards ng kanyang kaibigan sa EDSA.
“Bestie kong ginawang photo album ang EDSA,” caption pa ni Darren sa isa pang IGS.
Hahaha!
Pero nakakatuwa si Darren dahil kitang-kita sa kanya na proud na proud siya for Kimmy.