Eddie

Eddie iniyakan si Alexa: Mahal na mahal ko siya

August 2, 2024 Vinia Vivar 108 views

Napuno ng luha’t pagdadalamhati ang huling gabi ng lamay ng namayapang asawa ni Elvis Gutierrez na si Alexa Uichico- Gutierrez.

Mapapanood sa TikTok account ni Ruffa Gutierrez ang ilang videos sa ginanap na eulogy for Alexa.

Isa na nga rito ay ang nakakaiyak na eulogy ni Eddie Gutierrez para sa kanyang pumanaw na manugang.

Panay ang iyak ni Tito Eddie habang nagsasalita at pati ang ibang naroroon ay nahawa at nag-iyakan din.

Caption ni Ruffa, “My dad’s heartfelt tribute celebrating the life of Alexa Uichico Gutierrez, my beautiful sister-in-law.”

Ayon sa veteran actor, nag-iisa lang ang anak niyang babae, si Ruffa, kaya nang dumating si Alexa sa buhay nila ay naging anak na rin ang turing niya rito.

“Kahit na ‘Tito Eddie’ tawag niya sa ‘kin, okay lang. Mahal na mahal ko siya,” umiiyak na wika ng Gutierrez patriarch.

Naikuwento rin niya ang walang sawang pag-aalaga ng kanyang anak na si Elvis sa misis nito noong panahong may sakit ito.

“Twenty-four hours for seven months, si Elvis, nandu’n sa tabi ni Alexa,” ani Tito Eddie.

Pumanaw si Alexa last July 27 sa edad na 38 matapos ang pakikipaglaban sa sakit na leukemia.

AUTHOR PROFILE