Benjamin Abalos

“Economic dev’t intertwines with peace, order”

July 9, 2023 Jun I. Legaspi 198 views

ITO ang binigyang-diin ni Department of the Interior and Local Government Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. sa mga lokal na opisyal, Philippine National Police (PNP) at iba pang sektor sa Negros Oriental sa pagbisita niya sa probinsya nitong Sabado.

Ayon kay Abalos, kailangang magtulungan ang PNP, Armed Forces of the Philippines (AFP), ang local government units (LGUs) at ang publiko para sa maayos na peace and order situation at para sa ekonomiya ng probinsya matapos ang trahedyang nangyari noong Marso kung kailan pinaslang si Governor Roel Degamo.

Sinabi din ng kalihim na gumaganda na ang peace and order situation sa probinsya dahil sa mga pagsisikap ng law enforcement authorities at patuloy na bumababa ang crime incidents sa probinsya base sa mga datos ng PNP.

“Hangad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na tayo ay magtulungan para makamtan ang hustisya at umunlad ang ekonomiya.

Ang Importante ay mabuhay ang probinsya, ang negosyo pumasok, ang mga turista ay pumunta. Palakasin pa natin, pagtulungan pa natin,” pagdidiin niya.

Tiniyak din ng DILG Chief sa publiko na mabibigyan ng hustisya ang pagpatay kay Degamo at iba pang mga biktima kahit binawi na ng mga saksi ang kanilang mga testimonya.

“Maraming kaso ang naisampa na sa Department of Justice at sumasailalim sa preliminary investigation, ang iba rito ay nasa Regional Trial Courts na at hinihintay na lamang ang desisyon ng mga ito,” aniya.

Ipinag-utos din niya sa PNP na tiyaking hindi na mauulit ang mga krimeng tulad ng walang habas na pagpatay kay Degamo at siyam pang katao noong Marso.

AUTHOR PROFILE