Khonghun Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun

ECONOMIC CHA2 MALAKING TULONG SA PH — YOUNG GUNS

June 2, 2024 People's Tonight 146 views
Ortega
La Union 1st District Rep. Paolo Ortega V
Gutirrez
1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez
Adiong
Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong
Bongalon
Ako Bicol Party-list Rep. Jil Bongalon

Para makasabay sa mga mas mauunlad na ekonomiya

NANAWAGAN ang mga miyembro ng “Young Guns” ng Kamara de Representantes sa Senado na ikonsidera ang pagpapatibay ng panukalang amyendahan ang probisyong pang-ekonomiya ng Konstitusyon.

Ito ang tinuran nina Reps. Jay Khonghun ng Zambales 1st District, Paolo Ortega V ng La Union 1st District, Rodge Gutierrez ng 1-Rider Party-list, Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur 1st District, at Jil Bongalon ng Ako Bicol Party-list matapos lumabas sa pinakahuling survey ng Tangere na 57 porsyento ng mga Pilipino ang sumusuporta sa panukala na amyendahan ang economic provisions ng 1987 Constitution.

“In this era of fast global digitalization, the Philippines needs to level up by trying to compete, or at least be at par with advanced economies. We are sorely lacking infrastructure, which is why our Asian neighbors left us behind,” ani Khonghun, chairman ng House committee on bases conversion.

“After nearly 40 years since the post-Marcos Sr. era, do we need a status quo? We have seen our neighbors progress. We have been a laggard; that’s the hard truth. But do we need to be a laggard forever?” tanong naman ni Ortega, House Assistant Majority Leader.

“We urge the Senate to join us in unlocking our nation’s full potential and ensuring sustained economic growth through constitutional economic amendments. By attracting foreign investments and fostering a competitive, inclusive business environment, we can generate more jobs for Filipinos,” giit naman ni Gutierrez na isang abogado.

“Don’t we need to catch up? Can we not entertain change at all? Can we not try something new?” diin ni Adiong, chairman ng House ad hoc committee on Marawi rehabilitation and victims compensation. “Status quo is the last thing we need. We have to wake up from our long slumber, so to speak.”

“We need some economic adjustments to keep pace with the demands of the global economy. Opening specific economic provisions can create a more dynamic and resilient economy facing future challenges. The proposal will help attract more foreign direct investments crucial for the Philippines’ financial expansion and infrastructure development,” saad naman ni Bongalon na isa ring abogado.

Batay sa tugon ng 1,500 respondents sa survey na isinagawa noong Mayo 21 hanggang 25, 2024, lumabas na 57 porsyento – mas mataas ng 2 percentage points mula sa resulta noong nakaraang Abril — ang pabor sa pagamyenda ng economic provisions ng Saligang Batas.

“Strong support is observed among respondents from Metro Manila, Southern Luzon, and Bicol Region, while disagreement is more common among respondents from Mindanao and Central Luzon, and from the upper-income classes,” saad ng Tangere sa report nito.

Anim sa 10 respondents ay nakikita ang bentahe ng amyenda sa economic provisions lalo na para sa paglikha ng mas maraming trabaho (72 porsyento), mas mataas na paglago ng ekonomiya (68 porsyento), pagtaas sa sweldo at benepisyo (67 porsyento), at pagbaba sa presyo ng bilihin at serbisyo.

Gayunman, mayroong 27 porsyento na may alinlangan dahil sa posibleng paglala ng korapsyon, habang 23 porsyento ang nangangamba sa pagdami ng foreign competitors ng mga lokal na negosyo.

Isinagawa ng Tangere ang naturang survey sa pamamagitan ng isang mobile-based respondent application sa may 1,500 indibiduwal.

Mayroon itong margin of error na +/-2.5 porsyento at 95 porsyentong confidence level, gamit ang stratified random sampling o quota-based sampling method.

Nahahati ang mga respondent sa 12 porsyento mula National Capital Region, 23 porsyento mula Northern Luzon, 22 porsyento mula Southern Luzon, 20 porsyento mula Visayas, at 23 porsyento mula Mindanao.

AUTHOR PROFILE