MPD Maayos na pinaalis ng ng MPD Station 11 operatives sa pamumuno ni PMAJ. Bryan Sagayadora, commander ng Gandara PCP-MPD Station 11, ang flash mob. Kuha ni JON-JON REYES

Eco- grouo nag-flash mob sa PH-Chinese Friendship ark

January 30, 2022 Jonjon Reyes 144 views

NANAWAGAN para sa pag-alis sa coal at mabilis na pag-unlad ng mga renewable energy system sa Asya ang mga climate campaigners o environmental group kasabay ng pagdiriwang ng Tiger Lunar New Year

Ngayong January 30, nagsagawa ng flash mob ang climate campaigners sa Fil-Chinese Friendship Arch sa Binondo, Manila suot ang tiger mask sa pagdiriwang ng Tiger Lunar New Year bilang taon ng pagkilos para sa kabuuang coal phaseout at mabilis na pag-unlad ng renewable energy systems sa Pilipinas at sa iba pang bahagi ng Asia.

Pinangunahan ng Asian Peoples’ Movement on Debt and Development (APMDD) , miyembro at partner organizations na Sanlakas, Philippine Movement for Climate Change (PMCJ), Oriang Women’s Movement and Partido Laban ng Masa (PLM) ang flash mob.

Nanawagan ang nasabing organisasyon sa China na kumilos nang mabilis sa mga climate pronouncement at palakasin ang pamumuno nito sa climate action.

Ang mga katulad na aksyon ay ginanap din ngayon sa iba pang mga kabisera ng Asya.

“We call on Chinese institutions and banks to immediately stop financing and investing in overseas coal projects in line with the announcement of President Xi Jinping last September 2021. We also urge the Chinese government to stop all subsidies for fossil fuels and strongly support the building of renewable energy systems in Asia,” ani Lidy Nacpil, APMDD coordinator. Nina JON-JON REYES & C.J. ALIÑO

AUTHOR PROFILE