Echo, proud sa solo trip ni Kathryn sa Australia
Halatang nag-enjoy si Kathryn Bernardo sa kanyang solo trip sa Melbourne, Australia. Sey nga niya, ito ang first time niyang mag-travel mag-isa.
Ibinahagi ng aktres sa Instagram ang ilang kaganapan sa kanyang bakasyon na sinimulan niya sa day 1.
Makikita rito ang larawan niya sa airport.
“First time to travel alone,” deskripsyon ni Kathryn sa larawan sa airport.
Sa second photo naman ay makikitang sinundo siya sa airport ng kanyang kaibigan at nagsisigawan pa sila sa tuwa nang magkita.
Sa isa namang larawan ay makikitang nag-grocery pa si Kathryn.
Nag-enjoy din siya na makita ang mga kangaroo around the neighborhood at kinunan pa niya ito ng video.
Ang isa sa mga dahilan ng pagpunta ni Kathryn sa Melbourne ay para manood ng The Eras Tour ni Taylor Swift.
Kaagad na nag-viral ang mga video ng aktres na nakunan ng ibang netizens habang nanonood ng concert.
Isa sa viral videos ni Kath ay ‘yung eksenang nakikisabay siya sa kanya ni Taylor na We Are Never Ever Getting Back Together na siyempre ay ikinonek ng netizens sa ex-boyfriend niyang si Daniel Padilla.
Samantala, isa si Jericho Rosales sa mga nag-comment sa post ni Kathryn at sey ng aktor, “You go girl. Proudaya.”
Maging ang fans ng aktres ay masaya na makita siyang nag-i-enjoy matapos ang mabigat na pinagdaanan noong nakaraang taon.
Ilan sa kanilang komento ay ito:
“So happy you got to experience Melbourne!”
“So brave!! I want to do this also. Travel alone. So proud of you dear!”
“Cheers to many more firsts to come @bernardokath !”
“Happy to see you having the best time! Enjoy!!”