EB

‘Eat Bulaga’ tuloy pa rin pero iba na ang hosts?

June 2, 2023 Aster Amoyo 823 views

DAHIL hindi na pinayagan ng new management ng TAPE, Inc., producer ng top-rating and longest-running noontime program na “Eat Bulaga” na umere nang live ang programa nung nakaraang Miyerkules, May 31, 2023, nag-desisyon ang tatlong icon hosts na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon na magpaalam na lamang sa pamamagitan ng Facebook Live account ni Maine Mendoza na may mahigit 18M followers at YouTube channel ng “Eat Bulaga” kaya nakuha pa rin nilang magpaalam at magpasalamat sa lahat ng mga taong sumuporta sa kanila at sa programa sa loob ng halos 44 nataon.

Dapat sana’y magsi-celebrate ang “Eat Bulaga” ng kanilang 44th anniversary sa darating na July 30 pero hindi na ito umabot doon nang mag-desisyon ang TVJ kasunod ang ibang Dabarkads na magbitiw na sa TAPE, Inc.

Agad naman naglabas last Thursday, June 1 ng official statement ang pamunuan ng TAPE, Inc.

Samantala, hind magiging madali para sa bagong pamunuan ng TAPE, Inc. na agad makabuo ng bagong programa na ipapalit sa “Eat Bulaga” unless mananatili ang bumubuo ng production staff mula sa executive producer, director, writer/s, talent coordinators, technical staff at iba pa. Kung hindi rin sila magpapalit ng titulo at gagamitan pa rin nila ang titulong “Eat Bulaga,” tiyak na mahihirapan ang mga bagong host dahil tiyak na sila’y makukumpara sa TVJ at sa Dabarkads.

TVJ is Eat Bulaga at ang Eat Bulaga ay identified kina TVJ maging sa Dabarkads.

Samantala, hindi pa katapusan ng TVJ at ng Dabarkads ang kanilang pagkalas sa bagong pamunuan ng TAPE, Inc. bilang producer ng “Eat Bulaga”. Pinag-aaralan ngayon ng tatlong TV icons ang kanilang next option. Tiyak ding kasama nila ang dating president at CEO ng TAPE, Inc. na si Tony Tuviera sa kanilang mga plano.

AUTHOR PROFILE