EA

EA kasal naman nila ni Shaira ang aasikasuhin

February 4, 2025 Aster Amoyo 161 views

NGAYONG matatapos na ang Lilet Matias, Attorney-At-Law, magiging abala na ang aktor na si EA Guzman sa kanilang kasal ni Shaira Diaz.

Nauna nang sinabi nina EA at Shaira na ngayong 2025 sila ikakasal sa isang intimate church ceremony sa Silang, Cavite.

Bukod sa pagpapakasal, inaayos na rin nina EA at Shaira ang kanilang bagong business – isang milk tea shop.

“Aayusin ko ‘yung bagong business namin ni Baba, tapos aayusin din namin ‘yung wedding siyempre, magiging hands on na kami this year,” saad ni EA sa panayam ni Suzy Entrata-Abrera na bumisita sa set ng Lilet Matias, Attorney-At-Law.

Kabilang sa wedding entourage nina EA at Shaira ay sina Arra San Agustin, Kaloy Tingcungco, Anjo Pertierra, at Julia Montes.

Ang wedding gown ni Shaira ay bibilhin niya pa sa Korea dahil gustong gusto niya ang kultura nito.

Pahayag niya sa Fast Talk with Boy Abunda, “Bibilin ko sa Korea, kasi sobrang love ko ‘yung Korea, ‘yung culture nila. Mahilig ako sa K-drama, K-pop, BTS, so gusto ko lagyan ng something very personal sa akin.”

Naging engaged sina EA at Shaira noong 2021 matapos ang 11 taon bilang magkarelasyon.

Joel tinandaan ang sinabi ng ina

Joel
Joel Cruz

IBINAHAGI ni Joel Cruz ang paalala ng kaniyang ina na kaniyang isinapuso hanggang sa pagtanda.

Ang ina ni Joel na si Milagros Martin Santos-Cruz ay pumanaw sa edad na 92 noong May 2021.

Ayon sa perfume mogul, laging ipinaalala ng kanyang ina ang pagkakaroon ng mabuting relasyon sa kanyang pitong mga kapatid.

“‘Yun ang maganda, laging sinasabi ng nanay ko na magmahalan kami, magtulungan,” sabi ni Joel sa vlog ng TiktoClock host at Binibining Marikit actress na si Pokwang.

Dugtong pa ni Joel, “Sabi [ng nanay] sa amin noong bata kami, hindi raw lahat paglaki namin may magandang buhay lahat. Kung sino raw ‘yung makakaluwag, tutulungan daw ‘yung hindi nakakaluwag.”

Inamin ni Joel na ang aral na ito mula kay Nanay Milagros ay baon niya hanggang ngayon.

Ani Joel, “Tumatak sa utak ko ‘yun hanggang ngayon. Lalo na may kapatid akong isa, ang dami niyang anak. Kaso sa dami na niyang anak, ang dami niyang apo. Sa dami nun, tinutulungan ko ‘yun.”

Inilarawan din niya na maganda ang samahan nilang magkakapatid, “Very close family ties kami. Kaming pito.”

Pops ayaw pa-pressure sa iba para magkarelasyon

Pops
Pops Fernandez

INAMIN ni Concert Queen Pops Fernandez na may mga pagkakataon na naramdaman niyang napI-pressure siya at naghanap ng bagong relasyon dahil sa mga opinyon ng ibang tao.

“There was a time napI-pressure na ako and there was a time I was really parang I felt I was searching,” ani Pops. “Then I said, ‘Nakakapagod naman ‘yun.’ The more I search, the more I look, the more parang hindi nagwo-work.”

Nang mapansin niyang hindi matagumpay ang mga relasyon na pinasok niya, naisip ni Pops na marahil hindi ito ang plano ng Diyos para sa kanya. Kaya’t pinili niyang mag-focus na lamang sa pag-aalaga sa kanyang mga anak bilang bawi sa mga pagkakataong hindi niya sila natutukan dahil sa kanyang trabaho.

Pagdating naman sa kanilang relasyon ni Martin, nilinaw ni Pops na mas inuuna nilang mag-focus sa kanilang mga karera at manatiling magkaibigan.

“Conscious rin naman kami ni Martin na hindi namin pinapalabas na kami pa rin [or] magkakabalikan kami. Wala naman siguro kaming pinapalabas na ganoon, which is very important for us.

We don’t want to fool also our audience,” pahayag ni Pops.

Sinabi rin ni Pops na isa sa mga dahilan kung bakit marami pa rin ang kinikilig sa kanila bilang Concert King at Queen ay ang kanilang “good chemistry” sa entablado.

“Because before we even thought of falling in love with each other, talagang meron na yata kaming chemistry. It is what everybody saw on screen that we never knew existed,” dagdag pa niya.

Rafael itinangging nagkarelasyon sila ni Denise

Rafael
Rafael Rosell
Denise
Denise Laurel

MARAMING teleserye ang pinagsamahan ng mga batikang aktor na sina Rafael Rosell at Denise Laurel na dating magka-loveteam.

Sa dinami-rami ng kanilang mga pinagsahaman, naging magkarelasyon nga ba sina Rafael at Denise?

“Not guilty,” tugon ni Rafael nang tanungin ni Suzy Entrata-Abrera nang bumisita ang Unang Hirit sa taping ng Lilet Matias, Attorney-At-Lawkung saan isa siya sa guest stars.

Mapapanood si Rafael Rosell sa huling linggo ng Lilet Matias, Attorney-At-Law bilang si Atty. Alex Romantico. Samantala, mapapanood rin sa GMA si Denise Laurel bilang si Divina sa Prinsesa Ng City Jail.

AUTHOR PROFILE