E-vehicle charging station binuksan sa SM Cabanatuan
CABANATUAN CITY--Binuksan ang electric vehicle charging station sa parking lot ng SM Megacenter sa Cabanatuan City noong Huwebes.
Pinangunahan nila Pearl Salangsang, SM regional operations manager; SM Megacenter assistant mall manager Keldrin Wy, Sheree-Anne Eugenio, SM City-Cabanatuan PR manager at mga opisyal ng Brgy. San Roque Norte ang event.
Kasama din si Cris Anthony Santos, sales executive ng Dongfeng Motors-Tarlac City, at nagbigay ng demonstration kung paano ang pag-cha-charge gamit ang NAMMI e-vehicle.
Ayon kay Wy, ito na ang ikalawang “in-mall” e-vehicle charging station sa Cabanatuan SM Supermalls bukod sa isa pang unang itinayo sa SM City-Cabanatuan.
Kaagapay ang SM Green Movement sa e-vehicle charging station bilang pagsuporta sa “National Renewable Energy Program.”