Dyosang Dyessa
MUKHANG hindi nga lang sa pelikula nag-init ang Vivamax actress na si Dyessa Garcia, dahil maging sa social media dala-dala niya ang hotness.
Mayroon ngang bagong proyekto si Dyessa sa Vivamax na pinamagatang “Init.”
Sa direksyon ni Piem Acero ang original film ng nasabing subscription based, video on-demand app. Kasama ni Dyessa ang iba pang bituin ng Vivamax kabilang na sina Candy Veloso, Aica Veloso, Rash Flores, Rome Guinto, at Ghion Espinosa.
Sa kanyang Instagram page, nagbahagi ang hot actress ng promotional picture kung saan walang habas ang pagsirit ng kanyang sex appeal.
“Napanood mo na ba kung gaano kainit si Dyessa?” hirit niya sa caption ng kanyang post.
Mala-siling labuyo ang anghang na patakam ni Dyessa sa mga kalalakihan. Talagang pagpapawisan sila sa bawat sulok ng kanyang wangkata.
Tila nilagnat ang sangkalalakihan dahil maging sila nakaramdam ng init sa katawan mula sa ipinakitang katawan ni Dyessa.
Tila naghuhurumentadong mga toro ang mga kalahi ni Adan nang tamaan ng kanilang paningin ang ganda ng tumagos na pigura ng sexy star sa pulang lingerie na suot nito. Parang bet na bet magalit ng kanilang mga nakakubling “sungay”.
Talaga namang gaganahan ang male fans sa Vivamax actress dahil game na game ito pagdating sa pasarapan.
Nakilala si Dyessa sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Dilig (2024), Araro (2023) at Sugapa (2023).