DUTY FREE DISCOUNT SA OFW’s
MAGANDANG balita ito para sa mga Overseas Filipino Workers (OFW).
May 15 percent discount na sila ngayon sa Duty Free Shops, partikular na sa Fiestamall sa Paranaque city.
Ito matapos lagdaan ang memorandum of understanding sa pagitan ng Duty Free Philippines management at ni OFW Partylist Rep. Marissa ‘del Mar Magsino na patuloy ang ginagawang proyekto para mabigyang kasiyahan ang mga kababayan nating nagtatrabaho sa abroad.
Sa isang simpleng seremonya, kasama ng kongresista są lumagda są MOU si DFPC Chief Operating Officer Vicente Angala na nagsabing anumang programa para sa ikagaganda ng pamumuhay ng ating mga kababayan ay palagi nilang susuportahan.
Pagkilala rin ito sa mga OFWs na itinuturing na makabagong bayanı ng bansa.
Nakailalim sa kasunduan ang pagbibigay ng 15 percent discount para sa mga miyembro ng OFW partylist.
Ang 15 percent discount na ito ay para sa mga OFW partylist members na darating sa bansa. Mayroon silang 15-araw na ma-avail ang diskuwento mula sa kanilang pag-uwi sa Pilipinas,
Epektibo ito sa darating na Nobyembre 15 hanggang January 15 ng parasok na taong 2025.
“Yung mga pasalubong ninyo sa pagbalik-Pinas, dito niyo na bilhin sa Duty Free dahil may 15% discount kayo. Sa panahon ngayon, wais na dapat sa paggastos. Dito sa Duty Free ang mga produkto ay quality na at binebenta pang may diskwento para sa inyo dahil miyembro kayo ng OFW Party List!,” anang kongresista.
Bukod sa discount, sinabi ni Angala na maaari ring magamit ng OFWs ang kanilang Atrium sakaling makaroo sila ng mahalagang event o pagtitipon.
Dahil dito, labis ang pasasalamat ni Magsino sa pamunuan ng Duty Free dahil malaking bagay ito para sa pamilya ng mga kababayang OFWs, higit lalo at mataas ang dollar ngayon kumpara sa ating peso currency.
Bukod sa Duty Free 15 percent discount, may diksuwento rin para sa mg OFW Partylist members sa mga partner hotels at establishments tulad ng Kingsford Hotel, Holiday Inn Express Manila, Makati Diamond Residences, and I-Secure Networks and Business Solutions, Inc.
Ang ganitong klase ng diskuwento ay ipatutupad na rin sa iba pang partner establishments ng Duty Free Philippines.