Abante

Duterte dapat humarap sa House Quad Committee

October 29, 2024 People's Tonight 64 views

HINAMON ng isang Quad Committee co-chairperson si dating Pangulong Rodrigo Duterte na humarap sa pagdinig ng Kamara de Representantes at magsabi ng totoo kaugnay ng madugong war on drugs campaign ng kanyang administrasyon.

“If he was physically well to attend the Senate inquiry on Monday, he should have no excuse to skip our next hearing,” ani House Human Rights Committee at Manila Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr.

Hindi dumalo si Duterte sa ikasiyam na pagdinig ng Quad Comm noong Oktobre 22 at sa halip ay sumulat ang kanyang abugado na si Martin Delgra lll na masama ang pakiramdam nito at kailangan ng pahinga. Sinabi rin ng abugado na makadadalo ang dating Pangulo sa pagdinig matapos ang Nobyembre 1.

Pero dumating si Duterte sa pagdinig ng Senado noong Lunes, Oktobre 28.

“We expect the former president to show up in our next hearing. We have many questions to ask him about his war on drugs and the deaths that resulted from it. We believe his answers will give us a more complete picture of the EJKs,” ani Abante.

“Maraming reklamo laban sa kanya at sa kanyang drug war implementers, pati ang kanyang PNP chief, si Sen. Bato dela Rosa. Nasa record ng Quad Comm ‘yan, kaya gusto naming marinig ang panig nila. ‘Yun ang tamang proseso, hindi yung mauuna yung depensa sa reklamo,” wika pa nito.

Bago ang pagdinig ng Senado, ang napagkasunduan ay uunahin na pakinggan ang mga biktima pero sa paggiit nina Sen. Bato Dela Rosa, Sen. Lawrence “Bong” Go, at Senate President Pro-tempore Jinggoy Estrada ay unang pinagsalita si Duterte.

Sinabi ni Abante na ang pag-amin ni Duterte na mayroon itong death squad sa Davao City ay dagdag pa patunay sa mga testimonyang nakalap ng Quad Comm. Ito umano ang Davao Model na ipinatupad ni Duterte sa buong bansa noong siya ang pangulo.

Kinondena rin ni Abante si Dela Rosa dahil ginamit umano nito ang pagdinig ng Senado upang maipaliwanag ang kanyang papel sa war on drugs ng Duterte administration at mabigyang katwiran ang mga extrajudicial killing kasama na ang pagkamatay ng mga inosenteng bata.

“The way he sounded, he was more of a senator-suspect or senator-respondent. There was nothing wrong with that, but he should have seated himself with his former boss, who wanted to be called a witness instead of a resource person. That would have been more appropriate than sitting with the investigating panel in order to defend his actions,” paliwanag ni Abante.

Ipinunto ni Abante, na hindi gaya ni Duterte, si Dela Rosa ay hindi nanumpa na magsasabi ng totoo.

“The validity of what seemed to be his interminable explanations and defenses was also not subjected to questioning. No one questioned him, no one challenged his version of that facts nor his assertions,” saad ng solon.

Ayon kay Abante, kinuha pa ni Dela Rosa ang tulong ng mga sumunod sa kanyang PNP chief upang ipaliwanag ang salitang “neutralization” at “negate” para palabasin na hindi pagpatay ang ibig nitong sabihin. Ang mga salitang ito ay ginamit sa memo kaugnay ng implementasyon ng war on drugs.

“It is only now that they are explaining this vague language, which policemen, based on testimonies given to Quad Comm, interpreted to mean the killing suspects. One former PNP chief even opined that it meant ‘huwag patayin kaagad (ang suspect),” sabi pa nito.

Naniniwala si Abante na ang paggamit ng “neutralize” at“negate” ni Dela Rosa sa inilabas nitong circular ay nagresulta sa libu-libong kaso ng EJK.

“Neutralization. That’s what happened to the late Mayor Espinosa (of Albuera, Leyte, a drug suspect named in Duterte’s drug list), who was already in jail when policemen killed him. Ito din ang nangyari sa libu-libong kababayan natin na hindi binigyang ng due process,” dagdag pa ni Abante.

AUTHOR PROFILE