Duterte SI Manila Rep. Manny Lopez (1st District) habang itinataas ang kamay ng Pangulong Rodrigo Duterte. Batid ni Duterte ang pagiging ‘Da Best ni Lopez sa pagbibigay serbisyo sa lungsod kaya todo-suporta rin ang ipinangako pa nito sa pagbuhos ng iba’t ibang tulong sa buong Maynila sa mga darating na araw.

Duterte, all-out support sa mga Lopez sa Maynila

September 4, 2021 Marlon Purification 1180 views

DuterteMga taga-Tondo, bibida sa tulong ng Palasyo

ASAHAN ang pabuhos ng tulong sa buong distrito ng Tondo! Ito’y matapos ihayag ng Pangulong Rodrigo Duterte ang all-out support nito sa lahat ng programa ni Manila 1st District Rep. Manuel Luis ‘Manny’ Lopez.

Ayon sa Pangulo, natitiyak niyang kapag proyekto ni Lopez, siguradong para ito sa mahihirap at para sa kapakanan ng mga taga-Tondo.

Nasa Davao City nitong Huwebes si Cong. Lopez, kasama ang kapatid at chief of staff na si Mike, upang pormal na manumpa bilang miyembro ng PDP Laban Party.

Tulad ni Duterte na dating mayor sa Davao, ang tatay nina Manny at Mike ay dating alkalde naman ng Maynila na si Mayor Mel Lopez, Jr.

Katuwang din ng magkapatid na Lopez sa pagsusulong ng magandang programa para sa mga residente ng Tondo si 2nd District Rep. Carlo Lopez na anak ni dating Congressman Jim Lopez.

“Kilala ko ang tatay nina Cong. Manny Lopez. Dati rin siyang Mayor tulad ko at marami siyang nagawa para sa mga taga-Maynila, lalo na sa mga taga-Tondo,” ani Digong.

Dahil dito, anumang suporta na kakailanganin ng mga Lopez ay ibibigay umano agad ng Palasyo, basta para sa kapakanan ng taga-Tondo at buong Manila mismo.

Dahil sa pahayag na ito ng Pangulong Duterte, makaaasa ang mamamayan ng Tondo ng higit pang pagdagsa ng serbisyo at ayuda mula sa DSWD sa pamamagitan ng cash assistance, ang TUPAD project ng DOLE, karagdagang tulong para sa medical bill at gamot; gayundin ang tuluy-tuloy na livelihood program.

Ang mga programang ganito ay ibinibigay na ng mga Lopez noon pa man at asahang bubuhos pa itong lalo sa mga darating na araw.