Duque, ‘wag pangunahan si DU30

June 9, 2022 Mario Fetalino Jr. 160 views

Mario FetalinoOO, paalis na sa Malakanyang si Pangulong Rodrigo Duterte.

Pero hindi nangangahulugan na pwede na siyang pangunahan ni Health Secretary Francisco Duque.

Ang gawaing ito ay tanda ng kawalan ng respeto sa pinakamataas na lider ng bansa.

Kailan lamang, ipinahayag ni Duque na malabong lagdaan ni Duterte ang Vape Bill na nauna nang inaprubahan ng Kongreso.

Ang lagda na lamang ni Duterte ang kailangan upang maging ganap na batas ang Vape Bill.

Layunin ng Vape Bill na maitatag ang regulasyon sa paggamit ng smoke-free alternatives tulad ng e-cigarettes.

Pinaniniwalaan na ang paggamit ng e-cigarettes ang paraan upang makaiwas ang mga Pilipino sa mas nakamamatay na sigarilyo.

Dahil na rin sa mga pag-aaral na nagsasabing nakakatulong ang smoke-free alternatives sa kalusugan, marami nang mga Pilipino ang gumagamit nito.

Pero ipinagdiinan ni Duque na hindi dapat makalusot ang Vape Bill dahil sa kanyang salungat na pananaw.

Nirerespeto naman natin ang tungkulin ni Duque bilang opisyal ng pamahalaan. Trabaho niya na bigyan payo ang kanyang amo.

Ang hindi niya trabaho ay sabihin kung ano dapat ang desisyon ni Pangulong Digong.

Bagama’t ilang araw na lamang ang nalalabi sa termino ni Duterte bilang pangulo ng bansa, mataas pa rin ang kanyang performance at trust rating.

Walang dahilan para bastusin ni Duque si Duterte.

**

First of all, I would like to THANK EVERYONE for your concern.

I’m ok, just a little shaken up, but l’ll be ok.

For those of you who don’t know what happened, I was robbed yesterday morning at the gas station.

I gathered myself together, my hands were still shaking, I was dizzy and I honestly think I was in shock.

My money was gone.

I called the police. They were fantastic and called for medical assistance as my blood pressure was through the roof.

The police asked me if I knew who did it.

I told them: “Yes, it was pump 2”.

**

If you laughed at the joke, credit should be for my gradeschool and highschool friend Bien Vijungco, a Makati businessman.

His wisecrack exactly hits our growing predicament over the relentless gas price hikes in recent months.

I hope the highly vaunted economic team of elected President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos is already working to fix the crisis even though their official duties start next month.

‘Wag na nila sanang antayin pa na umabot ang presyo ng gasolina sa P100 kada litro.

Otherwise, sa kangkungan tayo lahat pupulitin.

**

For comments, please call or text 09569012811 or email lastmohican2004@yahoo.com

AUTHOR PROFILE