Juan

‘DULO’ NG THE JUANS, GUMAGAWA NG INGAY

August 22, 2021 Ian F. Fariñas 188 views

KASALUKUYANG gumagawa ng ingay ang bagong hugot single at music video, Dulo, ng grupong The Juans na nangunguna sa iTunes Qatar, pang-apat sa Top songs ng iTunes Philippines at kabilang din sa top trending videos sa YouTube.

Nasa cover pa ng OPM Rising sa Spotify Playlist ang grupo na kinabibilangan nina Carl Guevarra, Chael Adriano (bassist), Josh Coronel (drummer), RJ Cruz (vocalist/guitarist) at Japs Mendoza (singer/guitarist).

Sa virtual mediacon para sa naturang single, sinabi ni Carl na sa restrictions na dala ng Covid-19 pandemic, sila-sila lang ang nag-produce ng music video ng Dulo.

Mala-short film ito na kinunan sa kahabaan ng North Luzon Expressway katulong ang ilang police escorts at pinagbibidahan nina Kokoy de Santos at singer-actress Krissha Viaje.

Dahil sa biglaang pag-a-announce ng ECQ, nag-back-out ang dapat sana’y direktor at production team ng music video, kaya sinalo ni Carl ang trabaho pati na ang storyline.

Sariling sikap nga ang ginawa ng The Juans at si Chael ang tumayong finance officer, si RJ naman ang editor, si Josh sa logistics habang sina Japs at Carl ang bumuno ng post-production audio at scoring.

Ideya ni Carl ang naging takbo ng music video base sa personal heartache kung saan talagang naranasan daw niyang umiyak habang nagda-drive pauwi ng Malolos, Bulacan. Mapapanood sa music video na nakipag-break si Kokoy kay Krissha habang nasa NLEX.

Kwento ni Carl, “Every Dulo marks a new beginning. We’d like to start this whole album campaign with a song called Dulo because we believe that we must first give up what’s not for us, so that we can receive the love that we deserve.Sa bawat relasyon, kadalasan sabay pumapasok, pero kadalasan din, may nauuna sa dulo.

“After this, we will be releasing a couple more singles and then release our full album, which is something people should look forward to. If they knew us because of our hugot songs, then they need to brace themselves because the hugot just got deeper,” ani Carl, “Also, there will be songs about love, hope and inspiration, and it will be filled with so much color.”

Ang Dulo ay available na sa iba’t ibang streaming platforms sa ilalim ng Viva Records.

AUTHOR PROFILE