Vern Larawan mula sa IG/Vern Kaye

Duguang kaarawan

June 19, 2024 People's Tonight 175 views

SA pagsalubong niya sa kanyang birthday, “uncensored” na version ng kanyang sarili ang ibinulgar ng Vivamax actress na si Vern Kaye.

Nagulantang ang netizens sa “duguan” look ng sexy star sa ibinahagi niyang larawan sa kanyang Instagram page.

Tila nagsilbing damit ni Vern ang bloody effect na yumayakap sa makinis niyang balat kasama ang kakarampot at gula-gulanit na piraso ng tela na sumasalo sa kanyang dyoga.

“Uncensored cause why not? It’s my birth month,” sey niya sa caption ng kanyang post.

Fierce si Vern sa kanyang facial expression. Siguradong tatakasan ng katinuan ang sino mang makasisipat sa kanyang perpektong hubog.

Muling pinatunayan ni Vern na nakaka-burn ang kanyang karisma sa social media.

Nagningning ang comment section ni Vern sa mga papuri sa kanya ng netizens. Pinaulanan nila ng puso at fire emojis ang larawan ng aktres.

Pamilyar ang publiko kay Vern dahil sa kanyang mga pagganap sa ilang proyekto kabilang na ang Kasalo (2024), Salitan (2024), Stag (2024), at Araro (2023).

AUTHOR PROFILE