Risa Sen. Risa Hontiveros

DU30, Sara banta sa Pilipinas — Risa

August 4, 2024 PS Jun M. Sarmiento 256 views

INILARAWAN ni Akbayan Sen. Risa Hontiveros si dating Pangulong Rodrigo R. Duterte at ang kanyang anak na si Vice President Sara Duterte Carpio na makatotohanang banta na kinakaharap sa kasalukuyan ng Pilipinas.

Sa pagdiriwang ng Akbayan Congress, hinikayat ni Hontiveros ang mamamayan na magkapit-bisig at labanan ang anumang pagmamalabis na kikitil sa karapatang pantao ng isang malayang Pilipino.

“I trust that we in Akbayan together with our allies around the world can rally more voices and create more pressures to make Duterte and his acolytes accountable for their crimes against humanity and for their sins against our vulnerable Filipino people,” ayon sa senadora.

“Alam ko po na ang daming kalat ni Duterte na ang hirap linisin. Ang kadiliman na noong panahon niya ay talagang nanuot sa ating lipunan. Parang mantcha na napakahirap tanggalin. At habang ang anak niya ay may kapangyarihan pa ay hindi magiging madali ang ating laban. For one they are supported by one Super Power which is China,” ani Hontiveros.

Iginiit ng senadora na ito na ang panahon para muling magkapit-bisig ang mga Pilipino laban sa mga mapaniil at malupit na banta sa katahimikan.

Matatandaan na mismong ang Hague Tribunal sa International Court ang nagbigay pagpapasiya pabor sa Pilipinas na nagsasabing sa Pilipino ang West Philippine Sea (WPS) na inaangkin pilit ng China.

Bunga ng pagaangkin sa territorial waters ng bansa, sinabi ni Hontiveros na hindi lingit sa marami kung paano hina-harass at pinagmamalupitan ng China militia at coast guard ang mga mangingisdang Pilipino, gayundin ang Philippine Coast Guard at Navy na pilit itinataboy sa sariling pag-aari ng Pilipinas.