Du30-Du30 nasa tao ang desisyon!

July 18, 2021 People's Tonight 108 views

SARA Duterte for president at Rodrigo Duterte for vice president? Mga tao ang magdedesisyon nyan sa Mayo”.

Ito ang tugon ni ACT-CIS Cong. Eric Yap sa panayam sa radyo kung sang-ayon siya sa tandem ng mag-amang Duterte bilang president at vice president sa 2022 national election.

“Parehong eligible at parehong gusto ng tao, e, why not?” dagdag pa ni Cong. Yap.

Aniya, sa araw ng eleksyon magkakaalaman kung gusto ng mga tao ang mag-ama na lumabas sa isang survey.

Base kasi sa latest Pulse Asia Survey, nangunguna ang tandem ng mag-ama bilang pangulo at pangalawang pangulo.

Kilala si Yap bilang masugid na supporter ng pamilya Duterte simula pa nang maupo ito sa Kongreso noong 2019.

AUTHOR PROFILE