DTI Acting Secretary itinalaga ni PBBM
ITINILAGA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Undersecretary Ma. Cristina Aldeguer – Roque bilang acting secretary ng Department of Trade and Industry (DTI).
Pupunan ni Roque ang puwesto matapos ang pagbibitiw ni dating Secretary Alfredo Pascual.
Malaki ang papel na ginampanan ni Roque sa Micro, Small, and Medium Enterprise (MSME) Development Group sa DTI.
Si Roque ang nangangasiwa sa sa mga critical areas kabilang na ang Bureau of Small and Medium Enterprise Development, Bureau of Marketing Development and Promotions, OTOP Program Management Office, at Comprehensive Agrarian Reform Program Management Office.
Pinangangasiwaan din ni Roque ang operasyon ng Small Business Corporation at Cooperative Development Authority.
Nagtapos si Roque sa kursong B.S. in Industrial Management Engineering, minor in Chemical Engineering sa De La Salle University.
Ayon kay Pangulong Marcos, kailangan ng isang magaling na tao na mangangasiwa sa operasyon ng DTI.
Malaki kasi aniya ang papel na ginagampanan ng DTA sa paglago ng ekonomiya ng bansa partikular na ng mga MSMEs.