Default Thumbnail

DSWD Secretary Erwin Tulfo, tinupad ang pangako sa mga Navoteno

October 12, 2022 Edd Reyes 350 views

Edd ReyesNANG mapaso ang Bayanihan to Heal As One Act 1 noong taong 2020, inakala ng may 1,775 na mga benepisyaryo Social Amelioration Program (SAP) sa Navotas City na hindi na nila matatanggap ang pa tulong pinansiyal.

Pero noong Pebrero lamang, nakakalap pa ng pondo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) kaya lang ay hindi sapat kaya sinabihan nila noon si dating Mayor Toby Tiangco na hanggang P5,000 lang ang kanilang maibabahagi.

Ang ginawa ni Mayor Toby, humanap siya ng paraan para mapunan ang kakulangang P3,000 na matagumpay naman niyang naipamahagi noong buwan ng Marso kaya’t ang hihintayin na lang ay ang maipamahagi ng DSWD ang kapupunan na P5,000 para makumpleto ang ayuda sa mga benebisyaryo.

Pero inabutan na ng pagpapalit ng administrasyon ay hindi naipamahagi ng DSWD ang kapupunan na kanilang naipangako sa mga benepisyaryo kaya’t inakala nilang wala na silang pag-asang makuha pa ang kapupunan.

Sa pagsusumikap naman ni Mayor John Rey Tiangco, nakarating ito sa kaalaman ni Secretary Erwin Tulfo sa pamamagitan na rin nina DSWD-NCR Director Pinky Romualdez, at AICS Focal Person Jeremiah Farol kaya’t naipamahagi nito lamang nakaraang Biyernes ang P5,000 sa mga SAP beneficiaries sa Navotas City.

Nagpasalamat naman sina Mayor John Rey at Cong. Toby Tiangco kay Secretary Tulfo at sa dalawa pang opisyal dahil tinupad nila ang pangakong ipagkakaloob ang kakulangan sa mga kuwalipikadong Navotenos.

Umaasa naman si Mayor John Rey na magagamit ng kanilang mga kababayan ang salapi sa wastong pamamaraan tulad ng pagsisimula ng maliit na negosyo o pambayad sa mga pangangailangan.

Mga magagandang proyekto, dapat ipinagpapatuloy

MAHALAGA talaga ang tinatawag na “continuity” o pagpapatuloy sa mga magagandang proyekto ng isang pinuno na tapos na ang termino dahil susi ito sa maunlad na eonomiya at pamunuhay ng mamamayan.

Huwag na lang nating tingnan ang mga malalaking mga siyudad tulad ng Maynila, Makati, Quezon City, Taguig, at marami pang iba na itinutuloy ng mga susunod na administrasyon ang magagandang proyekto ng kanilang pinalitan kundi tingnan na lang natin ang Navotas City na dating inaayawang tirhan ng marami pero ngayon ay hitik na sa populasyon bunga ng maayos na pamamahala ng pamilya Tiangco.

Nito lang ngang nakaraang linggo, apat na mga gusaling pam-paaralan, ang San Roque Elementary School, San Rafael Village Elementary School, Kaunlaran High School at Dagat-dagatan Elementary School ang mapapasimulan ng itayo matapos ang groundbreaking ceremony na pinangunahan ni Mayor John Rey Tiango.

Kung matatandaan, mga gusali at karagdagang silid-aralan din ang isa sa mga naging proyekto ni dating Mayor at ngayon ay Congressman Toby Tiangco na ngayon ay itinutuloy ng kanyang nakababatang kapatid.

Sabi ni Mayor John Rey, noon pa man ay prayoridad na nila ang edukasyon at sa pagnanais nilang hindi magsiksikan ang mga estudyante sa mga silid-aralan, kailangan nilang magtayo ng mga gusaling pampaaralan at karagdagang silid-aralan. Isa ang ganitong uri ng tinatawag na continuity kaya umuunlad ang isang lungsod.

Sa puna, komento at suhestiyon, mag-text lang sa 0923-347-8363 o mag-email sa [email protected]

AUTHOR PROFILE