DSWD namigay ng P37M food packs sa mga biktima ni Enteng sa C. Luzon
CABANATUAN CITY–Umabot sa P37,194,763.64 halaga ng food packs (FPs) ang ipinamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Central Luzon sa 733,123 residente na apektado ng bagyong Enteng sa Nueva Ecija, Bulacan, Pampanga, Zambales, Tarlac at Aurora.
Sa Nueva Ecija, sinabi ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council 3 sa San Fernando City, Pampanga na P17,089,807.10 na halaga ng food packs ang naipamigay sa mga apektadong residente.
Nakakuha ng P11,546,400 halaga ng FPs ang 3rd district ng lalawigan, P3,284,132.15 sa Licab at sa provincial DSWDO, P2,259,274.95.
Nakatanggap ang Bulacan ng FPs na nagkakahalaga ng P10,530,087.30; Pampanga, P7,702,490; Zambales, P1,778,679.24; Aurora, P64,500; at Tarlac-P29,200.
Umabot sa 264,432 pamilya o 733,123 katao ang naapektuhan sa 574 barangay sa Aurora (52 bgys), Bataan (11), Bulacan (202), Nueva Ecija (116), Pampanga (101) at Zambales (24).
Nasa 2,380 pamilya o 8,682 katao ang lumikas at kasalukuyang nasa mga evacuation center habang nasa 15,822 pamilya o 41,828 katao ang mga nasa labas ng mga evacuation center sa mga apektadong lugar.
Tatlong landslides, dalawang pagguho ng lupa at isang bumagsak na tulay ang naganap sa Bulacan.