LTFRB

Dry run ng DOTR program gagawin sa Sabado

November 10, 2022 Jun I. Legaspi 363 views

ISASAGAWA sa Sabado, Nobyembre 12; 2022, ng Department of Transportation (DOTr) at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang dry-run ng mga tinitingnan na public transport stops para sa mga pampublikong sasakyan sa buong Quezon City Memorial Circle (Elliptical Road) bilang bahagi ng Active Transport Program ng kagawaran.

Ang Active Transport Program ng DOTr ay isang inisyatibo ng kagawaran upang isulong ang mas maayos, komportable, at mabilis na transportasyon ng non-motorized vehicles tulad ng mga bisikleta.

Sa isasagawang operasyon sa Sabado, itatalaga ng DOTr ang lane seven at lane eight ng Elliptical Road para sa mga pampublikong sasakyan. Itatalaga rin na PUV stop para sa mga ito ang harapan ng Agricultural Training Institute (ATI) at Trade Union Congress of the Philippines (TUCP).

Kabilang sa gagawing dry-run ang ilang PUV routes na dumadaan ng Elliptical Road at Commonwealth Ave. Pinapaalala ng LTFRB sa mga pampublikong sasakyan na may rutang dadaan ng Elliptical Road at Commonwealth na sumunod sa itinalagang PUV lanes na ilalagay ng DOTr.

Para naman sa mga pasaherong sasakay ng pampublikong sasakyan sa mga naturang lugar na sundin ang mga itinalagang PUV stops sa harap ng ATI at TUCP.

Ang Active Transport Program ng DOTr ay bahagi ng mandato ng kagawaran na ayon sa National Transport Policy ng gobyerno upang maisama ang active transport sa pangkalahatang framework ng naturang polisiya sa pamamgitan ng pagtatayo ng mga imprastrakturang nakalaan para sa mga bisikleta at iba pang non-motorized vehicles.

Noong Hulyo 27, 2021, pinasinayaan ng DOTr at LTFRB ang 313 kilometro na Metro Manila Bike Lane Network upang isulong ang active transport bilang alternatibong transportasyon ng publiko.

AUTHOR PROFILE