Suspek

Drug suspek tiklo sa P136K na shabu

October 17, 2023 Jojo C. Magsombol 410 views

KAMPO HENERAL Miguel Malvar, Batangas–Arestado noong Linggo ang isang suspek sa pagtutulak ng illegal na droga nang makuhahan ng 20 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P136,000 sa buy-bust sa Barangay San Roque, Santo Tomas City, Batangas.

Nakilala ang suspek na si alyas Lester, 21-anyos, ng Tanauan City, Batangas, ayon sa ipinadalang report ni Batangas Police Provincial Director Col. Samson Belgica Belmonte kay Police Regional Office 4A (Calabarzon) Director Police Brigadier Paul Kenneth Lucas.

Naaresto ang suspek sa buy-bust na isinagawa ng City Drug Enforcement Team (CDET) ng Santo Tomas City Police Station bandang 6:20 ng umaga noong Oktubre 15, 2023.

Nakumpiska mula sa suspek ang apat na plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng 20 gramo at nagkakahalaga ng P136,000, P10,000 boodle money at isang Mistsukoshi motorcycle.

“Pinupuri ko ang mga tauhan ng Sto. Tomas City Police Station dahil sa kahanga-hangang tagumpay na ito.

Nagpapahiwatig ng walang humpay na pagsisikap ang Batangas Provincial Police Office sa pagpuksa sa ilegal na droga sa komunidad,” ayon kay Belmonte.

AUTHOR PROFILE