Posas

Drug suspek nasilo sa Tondo

December 5, 2023 Jonjon Reyes 182 views

BINITBIT ng mga operatiba ng District Intelligence Division 2 ng Special Mayor’s Reaction Team ( DID-2 SMaRT) ang 20-anyos na drug suspect sa loob ng bahay nito sa Smokey Mountain, Barangay 128 Zone 1, Tondo, Manila noong Martes.

Nakilala ang suspek na si alyas Ruzzel.

Batay sa ulat ni Police Major Rommel Reyes Purisima, hepe ng SMaRT, bandang ala-1:00 ng hapon nang maaresto ang binata sa pangunguna ni Police Executive Master Sergeant Dedimo Alviar.

Walang piyansang inirekomenda laban sa akusado, ayon sa mga pulis.

AUTHOR PROFILE