Suspek Ang arestadong suspek na nakatakdang kunan ng mugshot ng pulisya.

Drug suspek nasakote sa P1M na shabu

January 9, 2025 Gil Aman 93 views

CAMP BGEN Paciano Rizal–Arestado ang isang drug suspek na may pag-iingat na mahigit P1 milyon na halaga ng shabu sa buy-bust noong Huwebes sa Brgy. Concepcion, Lumban, Laguna.

Sa ulat ng Lumban police, naaresto ang suspek na si alyas Axcel sa pamumuno ni Lumban police chief P/Maj. Bob Louis Ordiz dakong alas-2:30 ng madaling araw sa Brgy. Concepcion.

Nakumpiska sa suspek ang dalawang sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu 150 gramo ng shabu na may standard drug price na P1.02 milyon, isang weighing scale, isang blue pouch at isang P1,000 bill.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Lumban police ang arestadong suspek habang inihahanda ang mga kaukulang dokumento para sa isasampang kaso ng paglabag sa RA 9165 Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

AUTHOR PROFILE