
Drug suspek nalambat sa P3.4M na shabu
UMAABOT sa P3.4 milyon halaga ng shabu ang nakumpiska sa drug suspek ng mga tauhan ng Philippine Drugs Enforcement Agency PDEA) Regional Office 4-A at Sta. Cruz police noong Lunes.
Kinilala ni Laguna Provincial Director P/Col. Ricardo Dalmacia ang nahuling suspek na si alyas Allan na nahulihan ng hindi baba sa 500 gramo ng shabu na nakalagay sa gray sling bag.
Isinagawa ang pag-aresto sa suspek sa parking lot ng Sunstar Mall sa Brgy. Gatid, Sta. Cruz, Laguna bandang alas-5:05 ng hapon.
Nabawi rin ng mga umaresto sa suspek ang isang NMax na motorsiklo na gamit sa pagde-deliver ng hinihinalang shabu cellular phone at bundle ng mga susi.