Drug suspek nalambat sa P1M shabu, boga, granada
NAHULOG sa kamay ng mga miyembro ng Manila Police District (MPD) ang drug suspek na may dalang mahigit P1 milyong halaga ng shabu, baril at granada nang matiklo sa Sta. Rita St. Brgy. 11, Tondo, Manila noong Martes.
Naaresto ang suspek na si alyas Amo/Cute Dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 Republic Act 10591, ayon sa mga pulis.
Sa report ni Police Lieutenant Colonel Alvin Christopher Baybayan, station commander ng MPD-Moriones police station 2, bandang ala-1:05 ng madaling araw nang salakayin ang bahay ng suspek sa naturang lugar.
Nahuli ang suspek dahil sa joint operation na pinaghandaan ng poseur-buyer na si Police Staff Sergeant Andrew Aquino.
Nakitaan ng mahigit kumulang sa 160 gramo ng shabu ang suspek na may katumbas na halagang P1.08 milyon
Habang nagsasagawa ng imbestigasyon, nadiskubre pa na may cal. 45 na baril at isang granada ang suspek.