Default Thumbnail

Drug suspek nagtangkang tumakas binaril

July 11, 2023 Edd Reyes 264 views

SUGATAN ang isang tulak ng ilegal na droga matapos barilin ng pulis para maaresto sa Navotas City Martes ng madaling araw.

Mahigpit na binabantyan ng mga pulis ang suspek na si Jesril Sison, ng 153 Bagong Kalsada St. Brgy. Tangos sa Tondo Medical Center.

Tinamaan sa likurang bahagi ng kanang hita ang suspek nang magtangkang tumakas matapos mahuli sa buy bust operation sa terminal ng bus C4 Road, Brgy. Bagong Bayan North sa Navotas City.

Binaril si Sison nang tumalon mula sa likuran ng sinasakyang mobile car pagdating sa C4 Road, Brgy Tañong, Malabon City at mabilis na nagtatakbong palayo.

Sa ulat na nakarating kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Ponce Rogeilio “Pojie” Penones, Jr. na ipinadala ni Navotas police chief P/Col. Allan Umipig, natimbog ang suspek nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Luis Rufo, Jr. Lunes ng alas-11:20 ng gabi sa naturang lugar.

Natimbog din sa buy bust si Mary Grace Francisco, 43, ng C4 Road, Brgy. Tañong, Malabon City.

Nasamsam sa dalawa ang may 20 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P136,000 at P300 markadong salapi.

AUTHOR PROFILE