Zacate

Drug application, pinaiiksihan ni PBBM

February 13, 2024 Chona Yu 271 views

INATASAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Food and Drug Administration (FDA) na magpatupad ng streamlining para padaliin pa ang proseso sa drug application.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni FDA director General Samuel Zacate na ito para gawing mas accessible at abot-kaya ang mga gamot para sa mga Filipino.

Sabi nil Zacate, inilatag nila sa Pangulo ang mga ginagawang hakbang para matulungan ang stakeholders, local drug manufacturers at drug importers na mapadali ang pagrerehistro ng mga produkto.

Gayundin, pinahaba na aniya ng FDA ang validity ng license to operate at certificate of product registration mula tatlo to limang taong renewal sa lima hanggang sampung taon na.

Ayon kay Zacate, tinatrabaho na rin ang revision ng fees para mas mapalakas ang kanilang laboratory at testing abilities at hindi nalalayo sa international regulations.

Tinalakay rin sa sectoral meeting ang pagtatatag ng pharma-zones para mapabilis ang pagpasok ng isang gamot lalo na ang generic drugs at antibiotics.

“As of now, in the FDA, we already had formulated several policies para po makatulong sa ating mga stakeholders, and one of that is the bible of the drug application process which is Administrative Order #67. It will pave the way for the application per category so that the stakeholders, the local drug manufacturers and the drug importers will have the proper way of how to register their products,” pahayag ni Zacate.

AUTHOR PROFILE