Default Thumbnail

Driver tigok sa truck

October 7, 2023 Jojo C. Magsombol 305 views

PATAY ang isang driver matapos bumangga ang kanyang owner-type jeep sa trailer truck sa Bgy. Mahabang Ludlod, Taal, Batangas noong Huwebes.

Ayon sa Taal police, walang pagkakakilanlan sa biktima na driver ng owner-type jeep (DHF 970) na aksidenteng bumangga sa Isuzu truck (NBS 7332) dakong 5:45 ng umaga noong October 5.

Nagtamo ng maraming sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang driver ng jeep na idineklarang dead-on-arrival sa Batangas Provincial Hospital dahil sa tindi ng injuries na tinamo.

Naaresto ang truck driver at kasalukuyang nakakulong sa Taal police station.

AUTHOR PROFILE