
Driver ni Zeinab saksi sa pinagdaanan ng amo
NAG-ALAY ng isang appreciation post and driver na si Jahan Keeve Visperas para sa kanyang amo na internet personality na si Zeinab Harake.
Sa Facebook post ng long-time driver ikuwento niya na sa loob ng halos apat na taong pagtatrabaho para sa Youtube vlogger, nasaksihan niya umano ang lahat ng napagdaanan nito.
“Almost 4 years nakong Driver ni Madam. And since 2020 up to now, isa ako sa Buhay na Saksi, sa lahat lahat lahat ng pinag daanan niya. I saw her glow, I saw her smile, I saw her pure heart when it comes to love,” pahayag ni Jahan.
“Nakita ko din mga naka date niya, basically normal na tao din naman kasi siya. Minamasama lang ng iba yung actions niya kasi nga si Zeinab siya. But then, to the [deepest] and the lowest part of her life, nakita ko na hindi siya nasaktan. Sinaktan siya intentionally, physically and mentally. Akala niyo ba di siya kinarma? Well kinarma din siya sa pag pili niya sa mga maling tao, but the best part is grabe yung bawi at blessings na binalik sakanya,” dagdag pa ng long-time driver.
May ibinahagi rin si Jahan tungkol sa kasalukuyang partner ni Zeinab na si Fil-Am basketball player Bobby Ray Parks Jr., at hinihiling niya na sana’y walang magbago sa pakikitungo nito kay Zeinab.
“I’ll be honest, I appreciate and I respect [Bobby Ray Parks Jr.] as her partner and father of Bia and Lucas, hands up literal! But we still hope na sana walang change of heart na mangyari,” saad ni Jahan.
“Di naman sila perfect relationship eh, si [Bobby Ray Parks Jr.] kasi he thinks for everyone, and when I say everyone lahat ng nasa bahay love and nirerespeto niya. Na hindi namin naranasan sa mga dating ipis na tumira sa bahay,” muling pahayag ng driver.
“What important now is they deserve the love kung ano meron ang pamilya nila, and as long as happy sila we should be all happy for them. Kung ano man mangyari sa future, labas na tayo don.
Because we have our own lives, and they have their own,” dagdag pa niya.
Sa kabilang banda, ibinahagi naman ni Zeinab sa kanyang Facebook page ang nasabing appreciation post ng driver.
“4yrs and forever wag kang sumuko kabomba whahahahaha,” caption ng social media influencer sa kanyang shared post.