Binasahan ng warrant of arrest ang suspek sa carnapping sa Raon St., Quiapo.
Driver nalambat sa carnapping
ARESTADO sa kasong paglabag sa Section 3 ng Republic Act 10883 (New Anti-Carnapping Act ) ang 39-anyos na lalaking delivery driver sa Raon St., Brgy. 308, Quiapo, Manila noong Lunes.
Ayon sa ulat ni Police Major Kevin Rey Bautista, hepe ng District Police Intelligence operation Unit (DPIOU) ng Manila Police District, nahuli ang suspek na si alyas Ricky bandang alas-12:00 ng tanghali.
Inaresto ang deliver driver makaraang inguso ng impormante sa kasong carnapping.
Nagrekomenda ang korte ng P300,000 piyansa para sa temporary liberty ng suspek.